Psychological facts
• Kung nahahalata mo nang nagsisinungaling ang kausap mo, huwag kang magsasalita at hayaan siyang magpatuloy sa pagsasalita. Kapag nasosobrahan na ang kanyang pagpapaliwanag, malaki ang tsansang kasinungalingan ang kanyang sinasabi.
• Tumangu-tango ka lang kung binibigyan ka ng payo ng taong pinaplastik ka lang. Mas diplomatic ‘yun kaysa sagutin siya nang padaskol na “alam ko”.
• Ang trick upang magkaroon ka ng confidence: Isaisip mong gusto ka ng lahat ng taong madadatnan mo sa room na pupuntahan mo.
• Kapag sinabihan ka ng kamag-anak o dating kaibigan na nagbago ka na, may tsansang ang ibig sabihin noon ay hindi ka na kumikilos ng naaayon sa kanilang kagustuhan.
• Okey lang maging tamad once a week. Nakakabawas yun ng stress, alta presyon at stroke.
• Kapag sobra kang madaldal, may tendency na magsabi ka ng kasinungalingan.
• Ang taong mahilig mag-overthink ay madalas nakakaranas ng depresyon.
• Ayaw ng mga lalaki na ikukumpara siya ng kanyang partner sa kapwa niya lalaki.
• Kapag attractive ang isang tao, ang madalas na namimintas sa kanya ay ka-gender niya. Halimbawa, kapwa niya babae ang mamimintas sa kanya.
• Ang mga lalaki ay naaakit sa babaeng may magandang mga mata or matang may magandang eye make-up.
• Mga 50 percent lang ang pakinabang mo sa matataas na grades na nakuha mo sa iyong pag-aaral. Social skills ang kumukumpleto ng iyong tagumpay sa buhay.
• Huwag mong tangkain na baguhin ang isang tao. Walang sinuman ang gugustuhin na baguhin siya ng ibang tao.
• Ang pagpikit ay nakatutulong upang maalaala ang mga bagay na nakalimutan.
- Latest