^

Punto Mo

Maid of Honor (173)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HAWAK ang patalim, sinugod ng lalaki si Ram para undayan ng saksak.

Sumigaw si Yana at ­nabigyan ng babala si Ram.

“Ram may patalim! May paralim!’’

Mabilis na nailagan ni Ram ang saksak ng lalaki. At isang malakas na suntok ang pinadapo niya sa panga nito. Sapol! At saka sinundan niya ng isa pang sipa sa tagiliran. Napayupyop ang lalaki. Mabilis niyang inagaw ang patalim sa kamau nito at saka inupakan pa ng pinale—siniko niya sa mukha! Duguang bumagsak ang lalaki.

Ang ikalawang lalaki ay hindi na makakilos dahil sa nakitang pagbagsak ng kasama. Takot na takot.

“Tama na po! Tama na po! Suko na po! Hindi na po uulit!’’ sabi ng lalaki at lumuhod sa harap ni Ram.

“Akala ko ba matapang kayo? Babae lamang pala ang kaya n’yo!” at akmang sisipain pa ang dalawa.

Nagdatingan ang mga barangay tanod at pati mga usisero. Dinampot ng mga tanod ang dalawa.

“Mga snatcher ito Bossing. Mabuti at nadale mo!’’ sabi ng tanod.

“Binastos ang kasama kong babae.”

“Kami na ang bahala rito. Notorious ang dalawang ito.’’

“Salamat po.’’

Nilapitan ni Ram si Yana.

“Tayo na Yana at ihahatid na kita.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with