^

Punto Mo

EDITORYAL - Malaking hamon kay Angara

Pang-masa
EDITORYAL - Malaking hamon kay Angara

SABI ni President Ferdinand Marcos Jr. nahirapan siyang pumili nang ipapalit sa nag-resign na DepEd secretary na si Vice President Sara Duterte. Pinag-isipan daw mabuti ng Presidente kung sino ang nararapat. Apat na tao umano ang pinagpilian ni Marcos para maging secretary ng Education. Pinili niya si Sen. Sonny Angara na nasa huling termino sa Senado. Isang pulitiko rin ang pinili ni Marcos sa kabila na maraming nagpayo na huwag pulitiko ang ilagay sa puwesto, at sa halip, isang edukador na nagmula rin sa kagawaran ang dapat piliin sapagkat kabisado na ang mga gagawin.

Batbat ng problema ang DepEd. Iniwan ito ni VP Sara na batbat ng problema. Walang nalutas sa mga problema sa kabila na may malaking budget. Dahil sa dami ng problema, naapektuhan ang kalidad ng edukasyon. Napag-iiwanan ang mga kabataang Pilipino sa maraming larangan. Maraming bata na edad 8 ang hindi marunong sumulat at bumasa.

Taun-taon, problema ang kakulangan ng mga silid-aralan. Marami sa mga estudyante sa public schools ay napipilitang magdaos ng klase sa lobby ng eskuwelahan, comfort room na ikinonvert sa classroom at sa lilim ng punongkahoy na nasa bakuran ng eskuwelahan. Maraming estudyante ang siksikan na parang sardinas sa isang classroom dahilan para marami ang walang matutuhan sa itinuturo ng guro. Ayon sa report, mahigit 50 estudyante sa isang classroom na dapat ay 30 lamang.

Problema rin ang kakulangan ng mga mahuhusay na guro. Walang makuhang mahusay na guro dahil kakarampot ang suweldo. Habang maraming public officials ang sumasahod ng daang libong piso o mahigit pa sa isang buwan, ang mga guro ay nagtitiis sa maliit na suweldo. Pati pambili ng chalk ay sa bulsa pa nila kinukuha.

Problema sa kasalukyan ang pagiging kulelat ang mga estudyanteng Pinoy sa Science, Math at Reading Comprehension. Nakita ang nakadidismayang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment (PISA). Nakita ang kahinaan ng mga Pilipinong estudyante kumpara sa mga estudyante sa 81 bansa.

Kamakailan lang, nakita ang mahinang performance ng mga Pilipinong estudyante na may edad 15 sa “creative thinking” na isinagawa rin ng PISA.

Malaking hamon kay Angara ang pamumuno sa DepEd. Kahapon, nang interbyuhin siya sa Teleradyo, nangako siya na gagawin ang lahat para mapabuti ang edukasyon at matugunan ang mga problena. Ipagpapatuloy umano niya ang nasimulan ng ­dating DepEd secretary. Harinawang maisakatuparan niya ang mga sinabi at magkaroon ng pagbabago sa sistema ng edukasyon.

vuukle comment

SONNY ANGARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with