^

Punto Mo

Maid of Honor (172)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“RAM!” nasabi ni Yana. Nabuhayan siya ng loob nang makita ang classmate. Mabuti at dumating ito.

“Layuan n’yo siya!’’ sabi ni Ram sa dalawang lasing.

Tiningnan ng dalawa si Ram. Napangisi.

“Hoy huwag mo kaming paandaran ha. Baka hindi mo kami nakikilala?’’ sabi ng isa sa mga lalaki na namumula ang mga mata.

“Huwag mo kaming takutin, Totoy at baka ilampaso ko yang mukha mo sa semento!’’ sabi naman ng isa pa na namumula rin ang mukha at mga mata.

Pero hindi natinag si Ram. Kalmado pa ring pinakiusapan ang dalawang lalaki na layuan si Yana.

“Para walang gulo, umalis na kayo. Layuan n’yo ang kaibigan ko. Pakiusap lang.’’
Nagtawanan ang dalawang lasing.

“Aba nakiusap pa ang totoy na ito. Aalis lamang kami dito kapag nakahipo na sa beauty na ito. At huwag kang makialam. Marami na ­kaming itinumba!’’sabi ng isa.
“Oo nga totoy. Huwag ka nang magpasikat dito sa tsik,’’ sabi naman ng isa at biglang binalingan si Yana para hipuin ang mayamang dibdib nito.

Dun na kumilos si Ram at isang sipa sa mukha ng lasing ang pinakawalan. Sapol sa pisngi ang lasing.

Kumilos ang kasama at sinugod si Ram.

Pero lumipad muli ang mga paa ni Ram at sapol ang lalaki sa panga. Susugod ang kasama hawak ang kutsilyo!

Sumigaw si Yana.

“Ram may kutsilyo siya!’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with