^

Punto Mo

PNP sa mga Pinoy, ‘wag paloko sa online scams!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

ONLINE selling scams, credit card fraud, at investment scams ang inilista ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mga pangunahing dahilan ng mga cybercrime cases sa Pinas. Kaya’t nangako si Marbil na mabubuhos s’ya ng pondo at palalawakin ang kapabilidad ng PNP, alinsunod sa kautusan ni President Bongbong Marcos, para matugunan ang banta ng cyber-related offenses. Nagbigay direktiba si Marbil na tututukan ang cybercrime matapos ibunyag na ang mga kaso ay tumaas ng 21.84 percent sa first quarter ng 2024, kumpara sa 2023.

Hinikayat ni Marbil ang mga Pinoy na ‘wag magdalawang isip sa pagsampa ng cybercrime cases para may dahilan ang PNP na habulin ang mga suspects. “Your safety is our priority, and your feedback is essential in helping us improve our services. Together, we can build a safer and more secure community,” ani Marbil. Binigyan diin naman ng PNP na ang tumataas na online activity, sophisticated cybercrime tactics at kawalang malay ng publiko sa gadgets ang primerang dahilan kung bakit umakyat ang kaso ng cybercrime. Kung sabagay, nang maupo sa puwesto si Marbil noong Abril, binigyan diin n’ya na bibigyan ng priority ang kapabilidad ng PNP para tugisin ang nasa likod ng cybercrimes.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang PNP ng skills enhancement sa pamamagitan ng training programs at pag-angkat ng kagamitan upang lalong iakyat ang kapabilidad ng Anti-Cybercrime Group (ACG) na tugisin ang mga nasa likod ng online crimes. Halos 85% din ng kapulisan ay ini-deploy para kumapal ang police presence sa kalye para mabilis makaresponde sa mga reklamo ng mga Pinoy at emergency.

Ang katwiran ni Marbil kapag maraming pulis sa lansangan, magbibigay ito ng confidence sa mga Pinoy na safe sila habang gumagala sa kalye. “If you look right now, plenty of policemen are on the ground. It doesn’t matter if they have no guns, what we need is that they are there on the ground so that their response to any emergency call is quick. We need to download as many policemen on the ground because that itself is crime prevention,” dagdag pa ng PNP chief.

Samantala, nanawagan si Col. Jean Fajardo, PNP spokesperson at PIO, sa mga Pinoy na ‘wag basta-basta maniwala sa natatanggap na SMS sa kanilang social media accounts na kadalasan ay scam. “Sinasabi na sila ay may violation at kailangan nila magbayad ng penalty at magbibigay ng accounts para bayaran. ‘Wag magpaloko sa ganitong spams. Mas makabubuti na makipag-ugnayan sa ahensiya na sinasabi nila para ma-determine kung (totoo o hindi),” ani Fajardo. May kumakalat pang SMS na mayroong traffic violation ang nakatanggap nito subalit kung wala ka namang sasakyan, siguradong scam ito, ayon pa sa soon-to-be general. Sa pagtatapos, binalaan ni Marbil ang kapulisan na ‘wag maging escorts ng mga mayayaman kundi’y aabutin sila ng malas.

CREDIT CARD FRAUD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with