^

Punto Mo

EDITORYAL - Naging inutil ang ­mayors kaya ­nakapasok ang ­POGOs

Pang-masa
EDITORYAL - Naging inutil ang ­mayors kaya ­nakapasok ang ­POGOs

AYON sa Presidential Anti Organized Crime Commission (PAOCC), hindi lamang sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga mayroong POGOs kundi sa marami pang bayan at siyudad sa bansa. Ayon sa PAOCC, 300 POGOs ang kanilang mino-monitor at sasalakayin ang mga ito. Sinusubaybayan din umano nila ang mga nakatakas na personnel ng POGOs sa Porac na lumipat lamang sa iba pang illegal POGOs sa Metro Manila.

Ang dalawang pagsalakay ng PAOCC na ginawa sa Bamban noong Marso at Abril 2024 ay masasabing tagumpay sapagkat nahubaran kung sino ang mga nasa likod ng illegal POGOs doon. Ang POGO hubs sa Bamban ay nasa isang compound na pag-aari umano ng suspended Mayor Alice Guo. Nasa likod lamang ng munisipyo ng Bamban ang compound na kinaroroonan ng 36 na gusali ng POGOs. Itinanggi naman ni Guo ang akusasyon.

Ang tagumpay na raid sa Bamban ay nasundan noong nakaraang buwan makaraang salakayin ang POGO hubs sa Porac, Pampanga. Mas malaki ang POGO hubs sa Porac sapagkat nasa malawak na lupain ang 46 na gusali na kumpleto sa lahat nang panga­ngailangan. Hindi lamang online gaming ang sinisilbi sa POGO hubs sa Porac kundi pati na rin pananda­liang aliw at iba pang illegal na serbisyo. Hindi na raw ­kailangang lumabas pa sapagkat naroon na lahat.

Ang nakapagtataka ay kung paano nakapag-operate ang illegal POGOs sa Porac na hindi nalalaman ng mayor doon. Paano nakalusot ang pagpapagawa ng 46 na gusali sa compound ng Lucky South 99 na hindi dumaan sa tanggapan ng mayor. Ginawa umano ang mga gusali ng POGOs noong panahon ng pandemya. Hindi man lang sinilip ng mayor na mayroong ginagawang 46 na malalaking gusali sa kanyang nasasakupan.

Nadismaya si Sen. Sherwin Gatchalian ang pagkadismaya sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules sapagkat malaki ang naging pagkukulang ni Porac Mayor Jaime Capil sa mga natuklasang POGO hubs sa kanyang nasasakupan. Nalaman ng senador na hindi raw pinapasok si Capil sa POGO hubs para inspeksiyunin. Hindi raw dapat ikatwiran ito sapagkat sa Office of the Mayor nanggagaling ang business at building permits. Sabi pa ng senador, hindi rin katanggap-tanggap na idahilan na hindi alam ang operasyon nang malaking POGO hubs sa nasasakupan. Irerekomenda raw ni Gatchalian sa DILG na masuspinde rin si Capil gaya ni Guo.

Sa pagkadiskubre sa POGOs sa Bamban at Porac, nalantad ang pagka-inutil ng mga mayor na ma-­monitor ang POGOs sa kanilang nasasakupan. Kailangan talagang kumilos pa ang PAOCC para madakma pa ang illegal POGOs na hinayaan ng mga inutil na mayor na mamayagpag sa kanilang nasasakupan, kapalit ng “biyaya”.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with