^

Punto Mo

POGO money, gagamitin sa election!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

NABABAHALA si Interior Sec. Benhur Abalos sa posibilidad na ang POGO money ay gagamitin sa darating na midterm elections. Open secret naman ‘yan mga kosa na dati-rati jueteng money ang ikinakalat tuwing elections at sa ngayon ay ma­aring POGO money na. “Well, actually there could always be that possibility of illegal means, illegal POGO, illegal jueteng or illegal e-sabong at ang masaklap even illegal drugs, narco politics. All of these things could possibly affect an election,” ani Abalos. Inamin ni Abalos na puwedeng gagamitin ng mga kandidato ang POGO money para mailuklok sila sa puwesto. Kaya’t inutusan ni Abalos si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang kampanya hindi lamang laban sa droga, e-sabong, jueteng at iba pang illegal, pati ang POGO. Araguyyyyy! Ang sakit sa bangs nito!

Kung sabagay, hindi na tayo lalayo mga kosa dahil ang magandang ehemplo nitong tinuran ni Abalos ay sina Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at Porac, Pampanga Mayor Jaime “Jing” Capil. Kapwa nakasalang sa komite ni Sen. Risa Hontiveros sina Guo at Capil kung saan ginigisa sila sa partisipasyon nila sa illegal POGO sa kanilang nasasakupan. Nagtataka ang tropa ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco kung bakit hindi natunugan nina Guo at Capil ng POGO operations kung saan libo-libong Chinese, Pinoy at foreigners ang araw-araw na nagrereport dito. Hindi lang ‘yan! Hindi din namalayan nina Guo at Capil ang itinatayong naglalakihang gusali sa kanilang lugar, na ayon kay Francisco, ay illegal dahil labag sa specification ng PAGCOR. Dipugaaaaa! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa totoo lang, aabot sa 200 POGO ang nag-ooperate sa Pinas at 43 dito, pati na sa Cavite, ang legal, ani Abalos. Kaya’t itong illegal na POGO ay “nakikisama”, hindi lang sa pulis, kundi maging sa mga LGU, tulad nina Guo at Capil. Ano pa ba ang bago d’yan? Kung ang lahat ng illegal na POGO ay hawakan sa leeg ang mga LGUs dahil pinondohan nila ito sa elections, abayyyyy hayahay na ang buhay nila, di ba mga kosa? Kasi ang lahat ng gustong gawin ng mga POGO, tulad ng pag-isyu ng permit at iba pa ay walang problema na kapag “pag-aari” na nila ang mayor ng lugar. Mismooooo!

Kaya’t tama lang ang pag-isyu ni Abalos ng memorandum circular kung saan inatasan ang mga LGUs na makipagtulungan sa PNP para masawata ang operations ng illegal POGO, na tinawag n’yang farm scam. Aniya puwede i-verify ng LGUs ang mga POGO sa paggamit ng kanilang Business Permit and Licensing Office, sanitation permit, o bumbero para i-check ang laman ng POGO. Eh di wow! “Kung mapapansin ninyo lahat ng nahuhuli ngayon illegal. Ito yung wala na talagang lisensya. So kung makakita ngayon dito sa probinsya na ganito except for Cavite and except for Metro sigurado illegal yan,” ang giit ni Abalos. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa kampanya laban sa POGO, hinikayat ni Abalos ang PNP at LGUs na sundin lang ang batas at t’yak hindi sila mapapahamak. Aniya, ang Pagcor ang may karapatang mag-inspection ng POGO kaya lang kung puwede ay isama na ang LGUs dahil sila ang sinisisi ng publiko kapag na-raid ang mga ito. Idinagdag pa ni Abalos na kahit legal ang POGO, dapat ini-inspection din ito para hindi magkabulilyaso ang kanilang operation. May punto si Abalos, no mga kosa? Sal-it! Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with