^

Punto Mo

Maid of Honor (164)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG madala sa malapit na ospital si Yana ay agad tinawagan ni Bianca si Honor na noon ay nasa bahay at kasama ng dalawa nilang anak.

Ikinuwento ni Bianca ang mga nangyari.

“Maayos naman ang kalagayan ni Yana?’’

“Nasa loob pa siya at ginagamot. Marami siyang sugat sa binti at hita. May sugat din sa braso at mukha.’’

“Mabuti at hindi binaril o sinaksak ng snatcher?’’

“Hindi. Nahuli rin ang dalawang snatchers.’’

“Sana ay walang bali o fractured sa binti o hita. Kawawa naman. Dahil sa bag mo e itinaya ang sarili.”

“Oo nga. Itinaya ang buhay dahil sa bag ko.”

“Nasan ang bag?’”

“Nasa akin. Hindi ko pa nga nai-inspect.’’

Maya-maya nakita ni ­Bianca na lumabas ang doktor na nag-attend kay Yana. Nagpaalam siya kay Honor at kinausap ang doktor.

“Doc kumusta po yung pasyenteng nakaladkad ng motor?”

“Okey na siya. Wala namang nabaling buto. May mga galos sa binti pero hindi naman serious. Don’t worry.’’

“Salamat Dok.”

Makalipas ang isang oras ay nilipat na sa isang room si Yana.

Nakausap na ito ni ­Bianca.

“Kumusta ang pakiramdam mo, Yana?’’

“Okey naman ako Ate. Huwag kang mag-worry.’’

Napaiyak si Bianca. Niyakap si Yana.

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with