^

Punto Mo

‘Tagpi’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG matiyak ni Tatay na walang naghahanap sa tuta ay kinuha na niya ito at isinama sa biyahe. Inilagay niya sa upuan na katabi niya. Ayon kay Tatay, habang nasa biyahe ay walang kakilus-kilos ang tuta sa pagkakaupo at parang nakikiramdam sa pagmamaneho ni Tatay. Nag-iisip daw nang malalim si Tatay kung paano napunta sa bundok ang tuta. Walang kabahayan sa bundok. Hindi kaya engkanto ang tuta? Nag-anyong tuta lang?

Nang makarating sa pier at maidiskarga ang mga palay, kopra at mais ay agad ding bumalik si Tatay sa amin. Kadalasan ay dalawa hanggang tatlong araw bago umuwi si Tatay. Pero nang araw na iyon daw ay walang kargamento. Walang biyahe ang barko dahil may paparating na bagyo.

Nagulat kami nang biglang dumating si Tatay. At mas lalo kaming nagulat dahil sa pasalubong niyang tuta.

Iyon ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng tuta kaya tuwang-tuwa kaming magkakapatid.

Ako ang nakaisip na tawaging “Tagpi” ang tuta. Marami kasing tagpi na itim sa balahibo.

At nang tawagin naming Tagpi ang tuta ay parang naintindihan nito. Kinawag-kawag ang buntot. Masayang-masaya.

Ako ang naghahanda ng pagkain ni Tagpi. Kaya naman, malapit na malapit ito sa akin. Kapag dumarating ako mula sa school, nakaabang na ito sa gate ng aming bahay. Alam kung anong oras ako darating.

(Itutuloy)

vuukle comment

DOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with