Hamburger na nababalot ng ‘ginto’, tinaguriang pinakamahal sa mundo!
ISANG hamburger na gawa ng isang restaurant sa Netherlands ang nakapagtala ng world record dahil sa mahal na presyo nito!
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na ang hamburger na tinawag na ‘The Golden Boy’ ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Most Expensive Hamburger” dahil sa presyo nito na £4,295 (katumbas ng P321,000).
Ayon sa restaurant na gumawa nito na De Daltons, nababalot ang buns ng The Golden Boy ng edible gold leaf at ang mismong dough nito ay may halong Dom Perignon champagne. Ang patty naman ito ay gawa sa Wagyu beef at may garnish itong caviar at king crab. May palaman din itong onion rings na battered sa mamahaling champagne. Sa mga nakatikim na ito, mayroon daw itong sweet, sour, salty, bitter at umami na lasa.
Matapos makabenta ng unang order ng The Golden Boy, idinonate ng De Daltons ang pinagbentahan nito sa isang local food bank na nagpapakain sa mga kapus-palad na residente ng Voorthuizen, Gelderland, Netherlands.
- Latest