^

Punto Mo

Lalaking may koleksiyon ng pinball machines, nagtayo ng sariling arcade!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 70-anyos na lalaki ang nakapagtala ng world record sa pinakamalaking koleksiyon ng pinball machine ang nagtayo na ng sarili niyang arcade.

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Robert Berk ang kasalukuyang may hawak ng titulong “Largest Collection of Pinball Machines” dahil sa koleksiyon nito na aabot sa 1,041 machines.

Nagsimulang mangolekta ng pinball machine si Berk noong 1971 at simula noon, hindi na siya tumigil sa pagbili ng mga ito. Sa dami ng kanyang koleksiyon, hindi na niya mailagay ang lahat ng kanyang pinball machine sa kanyang bahay.

Kinailangan niyang magkaroon ng storage facility­ para dito. Pero imbis na nakatiwangwang lamang ang mga ito at hindi naman niya ito malalaro nang sabay-sabay, naisipan niyang gawin itong business at nagbukas siya ng sarili niyang arcade, ang Past Times Arcade.

vuukle comment

ARCADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with