^

Punto Mo

Chinese spy, mabibisto na!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAHUHUBARAN na ang tunay na pagkatao ni Yuhang Liu, ang Chinese national na naaresto sa Makati City sa kasong panunutok ng baril. Espiya ba siya o hindi? Dipugaaa!

Kasi nga inaprubahan na ni Judge Andres Bartolome Soriano, ng Makati City RTC Branch 148 ang kahilingan ng PNP na silipin ang mga gadgets na nakumpiska kay Yuhang. Binigyan ni Soriano ng go signal ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) “to conduct forensic digital examination on the devices and pieces of evidence recovered from the control of Yuhang Liu.”

Ang ACG ay inutusan din ni Soriano na  i-examine ang computer data “and be dealth with as the law directs,.” Mismooooo! Sa darating na mga araw ay mabibisto na kung itong si Yuhang ay spy ng China. Dipugaaa! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Mismooo!

Para maging legal ang lakad nila, nag-apply ang opisina ni CIDG director Maj. Gen. Leo “Paco” Francisco ng warrant to examine computer data (WECD) sa sala ni Soriano para mabuksan at masilip ang laman ng mga gadgets na nakuha kay Yuhang.

Sina Lt. Kyle Gabriel Bautista, ng CIDG National Capital Region at Mary Coleen Fortuno, na isang licensed electronics engineer ng National Telecommunications Commission, ang nag-explain kay Soriano na may malakas silang paniniwala na si Yuhang ay sangkot sa illegal interception o paglabag ng Cybercrime Prevention Act 2012.

Kaagad namang nag-isyu si Soriano ng warrant to disclose computer data (WDCD) para silipin na ng ACG ang laman ng mga kagamitang nakuha kay Yuhang. Araguyyy! Beee buti nga! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Ayon sa warrant na inisyu ni Soriano, ang ACG ay magsasagawa ng “full forensic examination of the seized digital, electronic, or storage devices within the period allowed by the rules.” Ang CIDG ay mangangalaga o gagamit ng nakuhang impormasyon sa mga gadgets sa pamamagitan ng onsite at offsite computer forensic examination hanggang sa pagsampa ng kaso laban kay Yuhang, ani Soriano. Pero may mahigpit na bilin si Soriano. Kailangan ang CIDG o ACG ay gagamit ng PNP-issued body-worn camera o isang alternative recording device sa pagtuklas nila ng hiwaga sa gadgets ni Yuhang. Sal-it! Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!

Ang mga nakalistang gamit ni Yuhang na sisiloipin ng ACG ay ang IPhone 15, one unit antenna system multi-band directional, 2 battery units, solar inverter, isang radio receiver/transmitter, isang Huawei router, Apple tablet, 2 units mobile phones, isang Honor laptop, 1 inverter unit, isang aerial drone, computer CPU at 220V portable power station.

Iniutos din ni Soriano na ang resulta ng nakuhang impormasyon sa mga gadgets at gamit ay i-turnover sa kanyang sala “under the terms prescribed to the Rule of Cybercrime Warrants! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Teka, teka, ayon kay Col. Joel Ana, ng CIDG National Capital Region hindi pa kumpleto ang datos nila para mahubarang tuluyan si Yuhang. Ang kulang ay ang pagtuklas kung spy ba ng China itong si Yuhang o dehins. Iginiit ni Ana na mag-aapply pa sila ng motion to amend ang WECD sa pagsampa ng kasong espionage laban kay Yuhang.

Hayan, mga kosa! Konting wait lang at matutukoy na kung ano ang trabaho ni Yuhang at bakit andito siya sa Pinas. Dipugaaa! Konting araw na lang! Abangan!

SPY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with