‘Pasahe’ (Last part)
NALIMUTAN ko na ang tungkol sa estudyanteng humingi sa akin ng pamasahe. Mabilis na lumipas ang panahon. Napatapos ko na sa pag-aaral ang aking dalawang anak sa pamamagitan ng pagdya-janitor.
Hanggang sa sumapit ako sa edad na 60. Pinadalhan na ako ng sulat ng personnel na sumapit na ako sa edad para magretiro. Nakasaad na natutuwa sila sapagkat sa loob ng 35 taon ay naglingkod ako nang buong katapatan. Nakasaad na matatanggap ko ang separation pay at lahat nang benepisyo. Gusto kong mapaiyak.
Isang buwan bago ang aking pagreretiro, isang lalaki ang lumapit sa akin habang nag-aabang ako ng dyipni sa Morayta.
Kinabahan ako. Kagalang-galang ang lalaki.
“Manong natatandaan mo pa ba ako?’’ tanong ng lalaki na sa tantiya ko ay mga 25-anyos.
Tiningnan kong mabuti ang lalaki. Pero wala akong matandaan.
“Ako po yung humingi sa’yo ng pamasahe noon. Binigyan mo ako ng P20.’’
“Ay oo. Naalala ko na.’’
“Sabi ko po babayaran kita. Hindi lang ako nagsabi kung kailan pero babayaran kita.”
Hindi ako makapagsalita.
“Mabuti po ang buhay ko ngayon. Sinuwerte ako sa buhay. Kaya ibabalik ko ang pinagkaloob mo sa akin.’’
Niyaya ako ng lalaki sa isang restaurant at dun ibinigay niya sa akin ang kabayaran na hindi ko inaasahan. Malaking pera at bahay na noon ko pa pinapangarap. Sabi ng lalaki, bihira na raw ang tulad ko na nagbibigay nang walang alinlangan. Napaiyak ako sa ginawa ng lalaki. Tamang-tama ang grasya sa aking pagreretiro.
- Latest