^

Punto Mo

EDITORYAL - Ipatupad ang Solid Waste Management Act 

Pang-masa
EDITORYAL - Ipatupad ang Solid Waste Management Act 

MALAKING problema ang kinakaharap ng bansa kung hindi mapipigilan ang paggamit ng single-use plastic. Banta sa kalusugan at kapaligiran ang single-use plastic kaya nararapat nang itigil ang pag-manufacture ng mga ito. Kabilang sa mga dapat ibawal ay ang sando bags, mga supot na lalagyan ng yelo, tubig, juice at kung anu-ano pang paninda. Karaniwang ang mga supot na plastic na ito ay ginagamit ng vendors at mga tindera’t tindero sa ­pa­lengke. Kasama rin sa panawagang ipagbawal ay ang sache ng kape, creamer, shampoo, ketsup at iba pa.

Nagbabala ang isang propesor sa Environmental Science and Engineering sa Silliman University na kung hindi makokontrol o ipagbabawal nang tuluyan ang paggamit ng single-use plastic, madodoble ang consumption nito sa mundo pagsapit ng 2040.

Ayon kay Prof. Jorge Emmanuel, dapat nang itigil ang prduction ng plastic. Sa kasalukuyan, sobrang dami nang pinoprodyus na plastic araw-araw. Ayon pa sa propesor, ibawal ang plastic straws at mga single-use plastic bags. Mag-recycle upang hindi na madagdagan pa ang mga basurang plastic na masama sa kapaligiran at nakaaapekto sa climate change. Payo ng propesor na ipatupad ang Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Noong nakaraang Abril, nagbabala naman si Environment Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga na lalangoy sa plastic ang Pilipinas. Kung hindi raw magkakaroon ng solusyon sa plastic pollution, nahaharap sa malaking problema ang Pilipinas. Ayon kay Yulo-Loyzaga, plastic ang kalaban hindi lamang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Malaking panganib sa kalusugan ng tao ang plastic at ganundin sa ecosystems at climate change. Nakikitaan ng plastics sa bituka ang mga isda at sumasama sa ulan ang microplastics.

Ayon sa report, ang Pilipinas ay nagpo-produce ng 2.7 milyong tonelada ng plastics wastes taun-taon at ang mga ito ay humahantong sa landfills, natatambak sa mga ilog, sa water supply at sa karagatan. Sa isang pag-aaral, nabatid na ang Pasig River ay nakakapag-contribute ng mahigit 356,000 metriko tonelada ng plastic na basura sa karagatan bawat taon.

Noong Pebrero 12, 2020, inaprubahan ng National Solid Waste Management Commission (NSWMC) ang isang resolusyon na nagbabawal sa single-use plastics sa lahat ng government offices. Inatasan ng NSWMC ang Department of Environment ang Natural Resources (DENR) na ipatupad ang kautusan. Subalit sa kasalukuyan, hindi na ito binibigyang halaga. Patuloy sa paggamit ng plastic.

Ang DENR at local government units (LGUs) ang ma­nguna sa kampanya na nagbabawal sa paggamit ng plastic. Ipatupad ang Ecological Solid Waste Management Act.

SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with