^

Punto Mo

‘Bashers’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG unang panahon sa Italy, idinidispley ng mga bagitong pintor ang kanilang obra sa plaza. Ipinakikilatis nila ang kanilang painting sa publiko. Iiwanan nila ang painting maghapon na may kasamang paunawa:

Mga Ginoo:

Baguhang pintor pa lang ako kaya hinihiling kong lagyan ninyo ng ekis (X) ang bahagi sa painting na sa palagay ninyo ay may ­maling stroke.

Pagbalik ng bagitong pintor, halos walang hulugan ng karayom ang painting dahil punumpuno ito ng ekis. Ipinakita niya ito sa kanyang guro at nag-iyak.

“Master, napakapangit pala ng aking ginawa. Ayoko na po. Titigil na ako sa pagpi-painting.”

“’Yun lang susuko ka na? Ang mabuti pa ay ganito ang gawin mo, gumawa ka ulit ng eksaktong replica ng painting na ipikilatis mo kahapon sa publiko. Tapos ibigay mo sa akin.”

Pagkaraan ng ilang araw ay bumalik ang estudyante bitbit ang ipinagawang painting na kagayang-kagaya ng nauna niyang iginuhit. Idinispley ito ng guro sa plaza na may paunawa:

Mga Ginoo:

Baguhang pintor lamang ako kaya baguhin po ninyo ang bahaging sa palagay ninyo ay may maling stroke. May kahon po sa katabi ng painting kung saan nakalagay ang mga pintura at brush na gagamitin.

Lumipas ang maghapon, walang gumalaw sa painting. Tumagal ng isang buwan ang pagdidispley sa plaza ngunit walang nakialam sa painting.

Sabi ng guro sa kanyang estudyante: “Tingnan mo at walang nagbigay ng koreksiyon sa iyong painting. Ibig sabihin, ang mga taong naglagay ng ekis noong una ay walang alam sa pagpipinta. Mga manlalait (bashers) lang ang mga iyon. Mabilis ituro kung saan ang mali pero walang alam sa pagpipinta. Tingnan mo, hindi nila maisip kung paano itatama ang maling nakita niya. Kaya huwag kaagad maniniwala sa negatibong komento.”

PAINTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with