^

Punto Mo

Maayos na evacuation centers, tuunan ng pansin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

IDINEKLARA na ng PAGASA noong nakaraang linggo na tapos na ang El Niño at simula naman ng tag-ulan. Isang bagyo na ang nanalasa noong nakaraang buwan at sa kasalukuyan, isang low pressure area (LPA) sa Mindanao ang mino-monitor bagama’t hindi naman daw ito mabubuo bilang bagyo. Ang bagyong Aghon na unang bagyo na dumalaw sa bansa ngayong 2024 ay kumitil ng pitong katao at nagdulot nang mala­king pinsala sa ilang bayan sa Quezon na ilang ulit nag-landfall. Nanalasa rin ang bagyo sa Calabarzon area at Misamis Oriental. Maraming tao ang dinala sa evacuation centers.

Taun-taon, 20 bagyo ang tumatama sa bansa at karamihan sa mga ito ay mapaminsala. Ang Bagyong Yolanda ang itinuturing na pinakamapinsalang bagyo na tumama sa Eastern Samar noong Nobyembre 8, 2013 at ikinamatay ng 6,000 katao. Maraming bahay ang nawasak. Hanggang sa kasalukuyan, marami pa ang walang sariling bahay at hindi pa nakakabangon sa trahedya. Ayon sa report, may mga nananatili pa sa evacuation centers sa kabila na 10 taon na ang nakararaan.

Hindi lamang mga bagyo ang tumatama sa bansa kundi pati na rin ang pagputok ng mga bulkan. Noong nakaraang linggo, pumutok ang Mt. Kanlaon sa Negros Occidental at marami ang napinsala. Umagos ang lahar at maraming pananim ang nasira, Maraming tao ang dinala sa evacuation centers.

Habang nag-aalburuto ang Kanlaon, nagpahiwatig din ng pagputok ang Taal Volcano. Maraming residente ang nangamba dahil marami pa sa kanila ang hindi nakakarekober nang pumutok ang Taal noong 2020. Marami sa mga residente sa paligid ng Taal ang ini-evacuate.

Pawang sa mga pampublikong eskuwelahan ini-evacuate ang mamamayang apektado ng bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha, sunog at maski na ang pagsingaw ng kemikal.

Wala namang ibang pagdadalhan sa mga apektadong mamamayan kundi mga pampublikong eskuwelahan at ang iba ay sa barangay gym. Maliban sa mga ito, wala nang ibang maayos na matutuluyan.

Noong nakaraang buwan, umapela na ang DepEd na tigilan na ang paggamit sa mga public schools bilang evacuation centers. Malaki ang problema ng DepEd sa kakapusan ng mga classrooms. Sa Hulyo 29 ay magbubukas ang school year 2024-2025. Paano kung sa panahon ng pagbubukas ng klase ay may manalasang malakas na bagyo o pumutok na bulkan at kailangang i-evacuate ang mga tao? Saan sila dadalhin? Saan sila tutuloy?

May panukala ang mga mambabatas na gagawa ng desenteng evacuation centers sa bawat barangay sa buong bansa. Anyare sa panukala? Naaalala lang kapag nanalasa na ang bagyo at tumama ang lindol. Tutukan sana ang pagpapagawa nang maayos na evacuation centers.

EVACUATION CENTER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with