^

Punto Mo

97-Anyos na lola sa U.S., natanggap na sa wakas ang kanyang high school diploma!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 97-anyos na lola sa Utah, U.S. ang natanggap ang kanyang high school diploma, walong dekada matapos siyang mapahinto sa pag-aaral.

Noong 1940s, napilitan huminto sa pag-aaral si Kathryn Cole para tulungan ang kanyang pamilya. Nasa Grade 12 na noon si Cole at kailangan na lang niyang makumpleto ang isang English subject para matapos ang high school ngunit kamamatay lang ng kanyang lolo at kailangan na niyang maghanapbuhay para sa pamilya.

Ayon kay Cole, noong araw ng libing ng kanyang lolo ay araw din ng final exams sa kanyang school.

Sa kasalukuyan, nagbo-volunteer si Cole sa Tabiona Public Schools para tulungang magbasa ang mga bata doon. Dahil dito, naisipan ng Tabiona­ High School na kilalanin ang volunteer work at i-credit ito sa kulang na English subject ni Cole noong siya ay high school. Ngayong graduation season, natanggap na ni Cole ang pinaka-inaasam-asam niyang high school diploma.

Sa kasalukuyan, wala pang balak itigil ni Cole ang pagbo-volunteer sa public school at gusto pa rin niyang tumulong sa pagtuturo ng pagbabasa sa mga bata.

DIPLOMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with