^

Punto Mo

Maid of Honor (148)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“NAPAPANSIN ko na masyado kang apektado sa pagkawala ni Kuya Rocky, Inah. Bakit?’’ tanong ni Yana kay Inah nang makitang nalungkot ito makaraang malaman na hindi matagpuan si Rocky at ang hinala ay patay na.

“Malaki ang utang na loob ko kay Kuya Rocky. Nang magkasakit at maospital si Inay ay siya ang nag-asikaso. Malaki ang nagawa niya, Yana.’’

“Pero di ba ang pinambayad mo sa ospital ay galing sa reward na natanggap mo?’’

“Oo nga pero malaki ang papel ni Kuya Rocky kaya madali kong natanggap ang pera. Kung hindi kay Kuya Rocky baka natagalan bago ko nakuha ang pera.’’

Napatangu-tango si Yana.

Nauunawaan na niya si Inah.

“Kaya hindi mo maiaalis sa akin na malungkot sa nangyari kay Kuya Rocky.’’

“Nauunawaan na kita.’’

“At ngayon ko lang ipagtatapat sa iyo, Yana. Nang lumuwas ako noon sa Maynila, hinanap ko si Kuya Rocky sa Calumpang pero hindi ko nakita. Nabigo ako.’’

“Kaya pala bigla kang lumuwas nun.’’

“Oo.’’

“Pero palagay mo, patay na nga kaya si Kuya Rocky?’’

“Parang ayaw kong maniwala, Yana. Malakas ang kutob ko na buhay si Kuya Rocky.’’

“Sana nga buhay pa siya.’’

“Hayaan mo at pagbalik ko sa Maynila, makikibalita ako.’’

“Salamat Yana.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

MAID OF HONOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with