‘Flashlight’ (Part 2)
Nang gagamitin na ni Itay ang flashlight, ayaw itong sumindi. Kailangang-kailangan pa naman dahil bibisitahin ni Itay ang mga alagang manok at baboy sa likod ng aming bahay. At ang masama pa, may nagbabadyang paparating na bagyo noon.
“Sino ang nakialam sa flashlight?’’ tanong ni Itay sa aming magkakapatid. Nakaupo kaming magkakapatid sa bangko.
“Ako po Itay. Meron po ako hinanap sa kamalig at ginamit ko ang flashlight pero hindi ko napatay ang switch.”
“Ah kaya naubos ang baterya. Uli-uli kapag sinabi kong huwag pakikialaman ang gamit, huwag pakikialaman. Makinig sa sinasabi ko,’’ sabing mahinahon ni Itay.
“Opo Itay,’’ sabi ng kapatid ko.
“Kayo sundin ang utos ko para walang mangyaring masama. Gaya ngayon, ano ang gagamitin natin. Wala tayong ekstrang battery. Makinig sana kayo sa akin at hindi naman para sa akin ito.’’
“Opo Itay,’’ sabay-sabay naming sabi.
Ilang buwan ang nakalipas, isang pangyayari ang dumating sa amin at ang nagligtas sa amin ay ang lumang flashlight. Tama ang sinabi ni Tatay na sundin lagi siya.
Bumagyo noon at aming lugar ang sentro. Bago iyon, tinalian ni Itay ang aming bahay. Tulung-tulong kami.
(Itutuloy)
- Latest