^

Punto Mo

EDITORYAL - Imbestigahan muli anomalya sa PS-DBM

Pang-masa
EDITORYAL - Imbestigahan muli anomalya sa PS-DBM

May bagong siniwalat si dating DOH Secretary Francisco Duque III kaugnay sa maano­malyang P47.6 bilyong pondo ng kagawaran na nilipat sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) noong 2022 para ibili ng protective equipment laban sa COVID-19. May basbas umano ni dating Presidente Duterte ang paglilipat ng bilyong pondo.

Nang kapanayamin naman si Duterte ukol sa sinabi ni Duque na pinayagan niya ang paglilipat ng pondo, wala raw siyang matandaan na sinabi iyon.

Noong nakaraang buwan, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na sampahan ng reklamo si Duque at si dating PS-DBM Undersecretary Lloyd Christopher Lao dahil sa illegal na paglilipat ng P47.6 bilyong pondo. Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, dahil hindi na maaring ipataw pa ang dismissal kina Duque at Lao, ang kaparusahan na maaring­ ipataw sa mga ito ay katumbas ng kanilang suweldo ng isang taon na kailangang bayaran sa tanggapan ng Office of the Ombudsman. Ang desisyon ay nilagdaan ni Martires noong Mayo 8, 2024.

Matatandaan na noong Agosto 2023, ipinag-utos na ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa puwesto at pagsasampa ng kaso laban kay Lao at Overall Deputy Ombudsman Warren Lex Liong dahil sa maanomalyang pagbili ng bilyong pisong halaga ng medical supplies sa Pharmally Pharmaceutical Corp. noong 2020.

Napatunayan ng Ombudsman na dapat sampahan ng kaso sina Lao at Liong at iba pang opisyal at ­empleyado ng PS-DBM. Kasama rin sa sinibak sa puwesto si ­PS-DBM procurement management officer Paul Jasper de Guzman. Kinuwestiyon noon ng mga senador kung bakit hindi kinasuhan ng plunder si Liong. Binatikos din kung bakit hindi kasama sa kinasuhan si dating presidential adviser Michael Yang, associate nito na si Lin Wei Xiong at asawang si Rose Lin. Si Yang ay presidential adviser ni dating President Rodrigo Duterte.

Ang Pharmally  officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina President Twinkle Dargani, treasurer and secretary Mohit Dargani, directors Linconn Ong at Justine Garado at board member Huang Tzu Yen. Ang Pharmally Pharmaceutical Co. ang nakakuha ng kontrata para mag-supply ng equipment sa kabila na ang capital nito ay P600,000 lamang.

Ang iba pang PS-DBM officials na kinasuhan ng Ombudsman ay sina Christine Marie Suntay, Webster Laurenana, August Ylagan, Jasonmer Uayan at Krizle Grace Mago.

Magkaroon muli ng imbestigasyon sa anomalyang kinasasangkutan ng PS-DBM. Ngayong nagsalita na si Duque na may makapangyarihang nag-utos sa paglilipat ng pondo, dapat halukayin muli ito. Huwag titigil hangga’t hindi napaparusahan ang nasa likod ng  anomalya.

vuukle comment

DBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with