^

Punto Mo

Lalaki na may pinakamalaking koleksiyon ng dumi ng dinosaur, nakatanggap ng Guinness World Record!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Arizona, U.S. ang nakapagtala ng world record dahil sa koleksiyon niya ng Coprolite o fossilized na dumi ng dinosaur at iba pang ancient animals!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si George Frandsen ang nananatiling record holder ng titulong “World’s Largest Collection of Coprolite” dahil sa koleksiyon niya ng fossilized feces na aabot na sa 8,000 pieces.

Ang coprolite ay mga nanigas na dumi ng mga sinaunang hayop o tao. Ito’y mahalagang mga artifact sa paleontology at archeology, dahil sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga ito, maaaring matukoy ang mga uri ng pagkain, karamdaman, at iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang nilalang.

Noong 2015 unang natanggap ni Frandsen ang Guinness title nang makapagkolekta siya ng 1,277 pieces ng coprolite. Bata pa lamang ay hilig na ni Frandsen ang magbasa tungkol sa dinosaurs at fossils. Labingwalong taong gulang siya nang matuklasan ang tungkol sa coprolite at simula noon, naisipan niyang mangulekta nito.

Ngayong umabot na sa 8,000 ang kanyang koleksyon, nagpasya siyang mag-resign sa kanyang corporate job at magtayo na lang ng museum kung saan ididispley niya ang lahat ng kanyang nakolektang coprolite. Tinawag niya ang kanyang museum na “Poozeum”.

 

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with