^

Punto Mo

Wala raw separation pay dahil pinapirma ng voluntary resignation

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Nalulugi raw po ang kompanya namin at pinapapirma po kami ng voluntary resignation. Wala raw separation pay kaming matatanggap at final pay lamang ang makukuha namin. Tama po ba ang gustong mangyari ng company namin? —Nony

Dear Nony,

Hindi tama na kayo ay papirmahin ng resignation letter kung  ang pagkakatanggal n’yo sa trabaho ay hindi n’yo naman kagustuhan at ito ay bunsod ng pagkalugi ng kompanya. Ang pagre-resign ay boluntaryo dapat sa empleyado kaya walang saysay ang pagpapapirma sa inyo ng resignation letter.

Mali ring sabihin na wala kayong matatanggap na separation pay. Kung totoo ang sinasabing pagkalugi ng inyong kompanya, dapat  ay bayaran kayo ng separation pay. Kung hindi naman totoo ang idinadahilan ng kompanya ay dapat kayong ibalik sa inyong mga dating posisyon kung kayo ay natanggal na at mabayaran ng karampatang backwages na katumbas ng sahod na dapat ay natanggap n’yo kung hindi lang kayo natanggal sa trabaho.

Mahalaga ring tandaan na hindi maaring gamitin ng isang employer ang pirmadong resignation letter upang makaiwas sa pagbabayad ng separation pay  lalo na kung sapilitan naman ang naging pagpapapirma nito.

ATTORNEY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with