^

Punto Mo

EDITORYAL - Pagsa-sideline ng mga pulis bilang ‘escort service’

Pang-masa
EDITORYAL - Pagsa-sideline ng mga pulis bilang âescort serviceâ

ISANG pulis at isang sundalo ang nahuli habang nagsa-sideline na “escort service” noong Lunes sa Parañaque City. Nakasuot umano ang dalawa ng uniporme ng Highway Patrol Group (HPG). Nahuli ang dalawa sakay ng motorsiklo na may sticker ng HPG at inieskortan ang isang itim na Alphard. Ayon sa report, Chinese ang inieskortan ng dalawa. Tinangka umanong patigilin ng mga pulis ang Alphard pero mabilis itong nakaalis. Hindi na hinabol ng mga pulis ang sasakyan.

Ayon kay PNP-Highway Patrol Group chief Brig Gen. Jay Cumigad, ikinatwiran daw ng pulis na pauwi na raw siya nang arestuhin. Nahaharap sa reklamong usurpation of authority at illegal use ng uniform at insignia ang dalawa sa Parañaque prosecutor’s office. Sabi ni Cumigad sa pulis, hindi na ito nakakatulong ay nakakaperwisyo pa.

Hindi pa natatagalan, dalawang Special Action Force (SAF) troopers ang nabuking na nag-eeskort sa opisyal ng Philippine Offshore and Gaming Operator (POGO) sa Ayala-Alabang. Nakilala ang dalawang SAF troopers na sina Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez. Nakadestino ang dalawa sa Mindanao subalit narito sa Metro Manila para mag-escort at pinasusuweldo ng P40,000 bawat isa. Nabuking ang pag-eeskort ng dalawa sa POGO official nang gumawa ng gulo sa Ayala-Alabang at inaresto ng mga pulis.

Dahil sa ginawa ng dalawa, sinibak na sila sa puwesto at ni-releived na rin sa puwesto ang 10 iba pa, kabilang ang hepe ng dalawang SAF troopers. Hinihinala ng PNP na may basbas ng kanilang superior ang pag-escort ng dalawa sa POGO official. Hindi naman pinangalanan ang opisyal ng POGO na inieskortan ng dalawang SAF.

Nakakahiya ang ginagawa ng mga pulis na nag-eeskort ng mga mayayaman na hinihinalang mga Chinese. Maaa­ring matagal nang ginagawa ang pag-eskort at pagbibigay ng security ng mga pulis sa mga mayayamang negosyante o maging mga pulitiko at ngayon lamang nabubuking.

Kung kailan nilakihan ang suweldo ng mga pulis ay saka sila naghangad pa nang mas malaki at tinatalikuran ang kanilang tunay na trabaho na paglilingkod sa mamamayan. Anong nangyayari sa PNP? Anong ginagawang hakbang ng PNP chief ukol dito?

Kamakalawa, dalawang MMDA enforcers naman ang pinagpapaliwanag dahil sa police markings sa kanilang motorsiklo habang inieskortan si Sen. Francis Tolentino. Anong nangyayari at pawang pag-eeskort ang “trabaho” ng pulis, sundalo at MMDA enforcers?

ESCORT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with