^

Punto Mo

Alfred, ginawang unan ang trophy!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alfred, ginawang unan ang trophy!
Alfred

Hindi maipaliwanag ng aktor at pulitiko na si Alfred Vargas ang kaligayahan sa kauna-unahang FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) trophy na natanggap sa katatapos lamang na awarding ceremony nito.

Ka-tie ni Alfred si Piolo Pascual para naman sa Mallari.

Ayon kay Alfred nang makatsikahan namin last Monday, sobrang overwhelmed pa siya sa nangyari at hindi nga raw siya nakatulog nang gabing iyon after the awards night last Sunday. “Ito (trophy) ‘yung ginawa kong unan, eh. Actually, wala pa akong tulog ngayon,” sambit niya.

Ayon pa sa aktor at konsehal ng 5th District ng Quezon City, talagang hindi niya inasahan na maiuuwi niya ang Best Actor trophy nang gabing iyon lalo pa nga’t ang bibigat din daw ng mga nakalaban niya.

Tanggap niya raw na hindi na siya mananalo kaya laking gulat niya nang tawagin nina Vilma Santos and Christopher de Leon ang pangalan niya.

Tungkol sa pagta-tie nila ni Piolo, ayon sa aktor/pulitiko ay proud siya to share the award with him.

Dahil sa napanalunang award ay mas lalo pa raw siyang naging inspired na gumawa at mag-produce ng de-kalidad na pelikulang Pilipino.

Dahil nga isang project a year lang ang kanyang ginagawa, ngayong taon ay sa teleserye muna ang kanyang focus. He’s doing Forever Young sa GMA 7 with Nadine Samonte, Eula Valdez and Rafael Rosell na malapit nang iere.

Singer na pumalit kay Eva Darren, nagsalita!

Nagbigay na rin ng kayang panig si Sheena Palad, ang young singer na pumalit kay Eva Darren para maging presenter ng Special Citations award sa  FAMAS last Sunday at The Manila Hotel.

As we all know, talk of the town ngayon ang nangyari kay Eva sa naturang awards night kung saan nga ay inimbita siyang maging presenter kasama ni Tirso Cruz III ng Special Citation pero hindi siya nakaakyat ng stage and instead ay pinalitan siya ng isang young singer.

Naglabas ng sama ng loob ang anak ni Eva na si Fernando dela Pena sa Facebook account nito sa ginawang pambabastos sa veteran actress.

Kaagad namang naglabas ng public apology ang FAMAS kay Eva at sa pamilya nito dahil sa nangyari. Tinanggap naman ng veteran actress and her family ang apology na ipinost ni dela Pena sa kanyang Facebook account.

Sa pamamagitan ng isang video kasama ang boyfriend na si Johann Enriquez who was the event host at the FAMAS awards night, in-address na rin ni Sheena ang tungkol sa controversy.

Ayon sa singer, hindi raw niya alam na papalitan niya si Eva bilang presenter ng gabing iyon at kinausap lang naman daw siya ng staff na mag-present ng award.

Sinabi rin ni Sheena na dahil sa nangyari ay naba-bash siya ngayon at naha-harass ng mga netizens to the point na hindi na raw niya kinakaya.

“Honestly, Hindi ko kaya to! It’s also a lesson for everybody to not QUICKLY judge a person. And makes me think too that what I’m going through doesnt even come close to what my Savior had to go through when He suffered and died on the cross for me.Thank you po!” pahayag ng singer.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with