^

Punto Mo

Kung ang biyenan ay bully

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NANGYAYARI ang pang-aapi ng biyenan kapag hindi niya gusto ang napangasawa ng kanyang anak. Kung ang tipo mo ay palaban, hindi ito magiging isyu sa iyo. The fact na pinakasalan ka ng kanyang anak, sa kabila ng kanyang pagtutol, aba, achievement na iyon. Love ka talaga ng mister mo.

Huwag matakot sa biyenan kahit pa well-known siyang pinakamataray na nilalang sa buong mundo. Kapag nahalata niyang natatakot ka sa kanya, lalo ‘yang mag-iinarte na i-bully ka.

Huwag patulan ang kanyang pagiging tactless. Halimbawa, bigla siyang magko-comment na: “Ang laki pala ng bibig mo”. Huwag kang pahahalata na nasaktan ka. Maging witty sa isasagot. Sumagot ka nang nakangiti at kalmado: “Mas malaki po ang sa iyo. Joke! Ha-ha-ha!”  Ibalik mo ang pintas sa kanya sa paraang nakakatawa.

May isa akong kakilala na bigla na lang siyang sinabihan ng “Ay, naduduling pala ang left eye mo!” Buti na lang may nakahanda siyang sagot dahil minsan na nitong sinabi sa kanyang mister noong first time siyang ipakilala. “Kayo rin po, duling, right eye nga lang, aha ha ha ha!”. Shocked daw ang biyenan.

Hindi mo siya makokontrol, pero may kontrol ka kung paano ka magre-react sa kanya. Ang best revenge sa kaaway ay ipakitang unbothered ka sa kanyang pang-aasar.

Payo ni Hilary Clinton na kilala sa pagiging tigasing babae: Kung may katotohanan ang ipinipintas sa iyo ng biyenan mo, seryosohin mo ito pero huwag personalin. Mabuti nga iyon at unknowingly, nabibigyan ka niya ng tip kung paano aayusin ang iba mong “imperfections”. Ang nakakakita ng kapintasan ng isang tao nang buong linaw ay ‘yung  kaaway niya.

Kausapin mo ang iyong mister na iparamdam nito sa kanyang ina na walang nabago sa kanilang relasyon kahit  may asawa na ito. Hindi man dumating ang araw na maging close kayo ng iyong biyenan, at least, nananatiling close silang mag-ina.

BULLY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with