Lalaki, nakatanggap ng Guinness matapos mag-pull ups ng 77 beses sa loob ng 1-minuto!
Isang Harvard Law School lecturer ang nakapagtala ng world record matapos itong makapag-pull ups ng 77 beses sa loob ng 1-minuto.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Adam Sandel ang bagong record holder ng titulong “Most Pull-ups in One Minute”.
Ikalimang beses nang nakuha ni Sandel ang naturang world record. Unang beses niya itong nagawa noong 2016 sa record na 51 pull-ups. Ayon sa Guinness, ang titulong ito ang isa pinakamahirap na ma-achieve at sa tuwing pataas nang pataas ang record nito, lalo pa itong nagiging imposibleng masungkit.
Noong 2020, nawala sa pangalan ni Sandel ang record at nakuha ito ni Hong Zhongtao ng China sa record na 74 pull-ups. Upang mabawi ang titulo, nag-training halos araw-araw sa loob ng apat na taon si Sandel upang mapaghandaan ang kanyang record attempt.
Sa kasalukuyan ay nagte-training si Sandel para talunin ang sarili niyang record.
- Latest