^

Punto Mo

Illegal gambling, ­nagpababa sa kita ng PCSO! — Robles

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

INAMIN ni PCSO General Manager Mel Robles na apektado ang kita ng ahensiya bunga sa patuloy na naglilipanang sugal-lupa sa Pinas. Ayon kay Robles bilyones ang nawawala sa kaban ng PCSO kada taon dahil sa hindi masawatang illegal gambling operations tulad ng bookies, jueteng, hindi awtorisadong small town lottery draws at online lotto.

Kung mapasakamay sana ng ahensiya ang bilyones na kinikita ng illegal gambling operators, iginiit ni Robles na maraming Pinoy sana ang makikinabang sa programa nilang pagtulong sa mga maysakit na mahihirap na Pinoy. Mismooo!

Pinatatamaan kaya ni Robles si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil? Hanggang sa ngayon kasi wala pang tinuran si Marbil kung ano ang stand n’ya sa illegal gambling. At ang huling balita ay nag-aagawan pa kung sino ang kolektor ng “hari.” Sanamagan! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Inisyu ni Robles ang kanyang pahayag laban sa illegal gambling matapos kilalanin ni President Bongbong Marcos ang PCSO bunga sa malaking kontribyusyon ng ahensiya sa kaban ng Pinas. Binigyan papuri ni BBM ang PCSO sa ginanap na 2024 Government-Owned or Controlled Corporation Day na ginanap sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.

Ang PCSO, kamakailan lang ay naglagak ng P2,684,933,915.10 sa national treasury bilang dividend contribution nito. Ang halaga ay mas mataas sa dividend contribution nito na P2,665,701,213.78 para sa taong 2022. Ang buong kita ng PCSO sa taong 2023 ay pumalo sa P61.45 bilyon, o seven percent rise sa kinitang P57.467 bilyon sa 2022. Eh di wow!

Bilyones man ang nawawala sa kaban ng PCSO dahil sa illegal gambling, malakas ang paniniwala ni Robles na malalagpasan ng ahensiya ang kanilang target collections sa kasalukuyang taon. “We have been working very hard to raise as much revenue as we can, so that we can hand higher remittances to the national treasury which the government could use in its socio-economic initiatives, and high priority programs,” ani Robles.

“However, our goal is being stymied by the proliferation of illegal gambling operators who were using the PCSO-sanctioned games to line their pockets while greatly affecting our potential earnings,” ang dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Robles na malaking dagok sa kita ng PCSO ang hindi masawata na sugal lupa at hindi lang ang dividend ng gobyerno ang apektado kundi maging ang healthcare at iba pang assistance at benefits na ipinagkakaloob ng ahensiya sa mahihirap na Pinoy. Dipugaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa ilalim ng RA 7656, ang GOCCs, tulad ng PCSO, ay nakatakdang magre-remit ng 50 posiyento ng kanilang kita kada taon sa national treasury. Subalit itinaas ito ni Finance Secretary Ralph Recto sa 75 percent sa kita ng 2023 upang suportahan ang mga priority infrastructure, social development at economic projects ni BBM.

Kaya ipinangako ni Robles na palalakasin pa ang kanilang kampanya laban sa illegal lotto operations para madagdagan ang kanilang kita nang sa gayon ay maraming Pinoy pa ang matutulungan ng ahensiya. Nanawagan din s’ya sa mga sugarol na i-patronize lamang ang PCSO sanctioned games bilang suporta sa laban nina vs illegal gambling. Mismooo! Ang sakit sa bangs nito!

Dapat sigurong hingin ni Robles ang tulong ni Marbil para mapuksa ang mga sugal lupa sa Pinas. Hindi lang ang gobyerno ang matutulungan kundi maging ang maysakit na mga Pinoy at iba pang charitable programs ng PCSO. Abangan!

GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with