^

Punto Mo

‘Relo’ (Unang bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

MAY matindi akong pagkagusto sa mga relo. Ito yata ang tinatawag na oniomania. Kahit may bago akong relo, at nakakita ng bago ay gusto ko uli na bumili. Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama kapag nakakita ng bagong relo. Sa katunayan, marami na akong naipon na relo at nakatago lang sa isang pinasadya kong glass case.

Ang isang maganda sa akin, kahit na may obsession ako sa relo, hindi ako yung bibilhin ko kahit mahal gaya nang mga branded na Rado o Omega na mga Swiss watches. Okey na sa akin kahit mumurahing relo basta masunod ko lang ang aking pagkagusto sa relo.

Lalo na akong naging addict sa relo nang magtrabaho ako sa Saudi Arabia. Palibahasa ay malaki  ang aking suweldo dahil communications engineer ako, wala akong patawad sa pagbili ng relo. Tuwing payday ay bumibili ako ng relo. Talagang sinusunod ko ang hilig ng aking katawan ukol sa relo.

Kapag araw ng suweldo, makikita na ako sa tindahan ng relo sa Al-Batha at bumibili. Napapansin na ako ng aking mga kasamahan sa madalas na pagbili ng relo. Kaysa raw relo ay alahas o ginto na ang bilhin ko. Pero hindi ko na sila sinasagot. Palagay ko naiinggit lang sila sa akin.

Hanggang sa mangyari ang hindi ko malilimutang karanasan.

(Itutuloy bukas)

WATCH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with