Kaalamang pangkalusugan (Part 3)
• Hayaan munang ma-expose sa hangin ng 15 minuto ang bawang na ginayat bago gamitin sa pagluluto upang ma-build up ang sustansiyang taglay nito na kung tawagin ay allicin. Ito ay isang immune supporting compound, na ang ibig sabihin ay nagpapalakas ng immune system ng katawan.
• Kumain ng one-fourth cup ng ubas araw-araw upang huwag tibehin, nagpapalakas ng utak, mainam sa mata, nagpapagaling ng peklat at nagtatanggal ng wrinkles.
• Ang paghuhugas ng bigas ng 3 o 4 na beses bago lutuin ay nagpapababa ng arsenic level na natural na nakukuha sa bigas.
• Good daily habits na magpapabago ng iyong buhay: 1 hour exercise, 2 liters ng tubig, 7 minutes laughter, 8 hours na tulog, 5 minutes meditation, 6 songs na nagbibigay sa iyo ng inspirasyon,
• Kapag gumamit ng turmeric sa pagluluto, mainam na haluan ito ng black pepper upang masipsip ng ating katawan ang curcumin, ang sustansiyang nakukuha sa turmeric.
• Ang black pepper ay tumutulong upang mabilis matunaw ang pagkain sa ating tiyan.
• Ang turmeric at honey ay malakas na kombinasyon upang labanan ang pamamaga ng tissues sa ating katawan. Kasing epektibo ito ng anti-inflammatory drugs.
• Upang mahimbing sa pagtulog, kumain ng 2 pirasong fresh kiwi isang oras bago matulog. Mayroon itong serotonin na pampakalma.
• Sa mga babaeng tinedyer, iwasang ipatong ang lap top sa inyong kandungan. May posibilidad na ang taglay nitong electromagnetic field ay makaapaekto sa iyong reproductive organ.
- Latest