^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., walang tigil na nag-squat exercise sa loob ng 24 hours!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Illinois, U.S.A. ang sinubukang ma­kapagtala ng bagong world record sa pamamagitan ng pag-squat nang walang tigil sa loob ng isang buong araw!

Upang makakalap ng pera para sa isang charity, sinubukang masungkit ni Tony Piraino ang Guinness World Record title na “Most Squats in 24 Hours (Male)”.

Ang goal ni Piraino ay matalo ang current record holder na si Joe Reverdes na nakagawa ng 25,000 squats sa loob ng 24 hours.

Sinimulan ni Piraino ang kanyang world record attempt noong 5:00 a.m. ng Abril 4. Sa bawat 22 squats, nagpapahinga si Piraino ng 30 seconds. Natapos ito noong 5:00 a.m. ng April 5 kung saan nakapagtala siya ng 26,000 squats.

Ginawa ito ni Piraino upang makakalap ng pera para sa Marion County Horizon Center og Decatur and Mount Zion, isang charity na nagbibigay ng pabahay, employment opportunites sa mga taong may developmental disabilities.

Sa kasalukuyan, isinumite na ni Piraino ang mga ebidensiya at witness testimony sa Guinness para ma-review na ito at mabigyan na siya ng official certification.

EXERCISE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with