^

Punto Mo

‘ALIMANGO’ (Unang bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Nangyari ang karanasan kong ito noong ako ay nasa high school. Inaamin ko na may kakulitan ako at may pagkapilyo. Siguro ay talagang ganun kapag nasa ganung edad. Lahat ay susubukan.

Kapag nasa classroom ako, paborito kong paiyakin ang aking kaklaseng babae. Nilalagyan ko ng kung anu-ano ang bag. Kung minsan ay nilalagyan ko ng bato, mga dahon at kung anu-ano pa.

Kaya lagi akong ipinatatawag sa opisina ng principal at sinesermonan. Mangangako ako na hindi na uulitin ang ginawa.

Maraming beses na ring pinatawag ang ­aking mga magulang dahil sa kapilyuhan na aking ginawa. Sabi ng aking mga magulang, huwag na akong maging pilyo at maging mabait na.

Mangangako naman ako pero gagawa uli ng kalokohan. Pakiramdam ko kasi, kapag hindi ako nakagawa ng kalokohan ay hindi kumpleto ang aking araw.

Isang araw, dumating ako sa school nang maaga. Isang bag ang nakita kong nakapatong sa silya. Tamang-tama na bukas ang bag. Kumuha ako ng mga bato.

(Itutuloy)

vuukle comment

ALIMANGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with