^

Punto Mo

Lalaki sa Japan na nakagawa ng pinakamaliit na robot, nakatanggap ng Guinness Record!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG estudyante sa Nagoya, Japan ang nakapagtala ng bagong world record matapos itong makabuo ng pinakamaliit na humanoid robot sa buong mundo!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Mitsuya Tatsuhiko ang pinakabagong record holder ng titulong “Smallest Humanoid Robot”.

Ito ay matapos niyang mabuo ang isang humanoid robot na may laking 2.27 inches na maikukumpara ang laki sa isang ATM card.

Si Tatsuhiko ay isang postgraduate student sa Nagoya Institute of Technology kung saan pinag-aaralan niya ang robotics. Bata pa lamang ay hilig na nito ang robotic at sa edad na 10, nakabuo na siya ng simpleng robot na gumagalaw ang braso at binti.

Ang focus ng pag-aaral ngayon ni Tatsuhiko ay pagbuo ng maliliit na robot na makakatulong sa oras ng sakuna tulad ng lindol. Nais niyang ma­kagawa ng robot na kakayaning makapasok sa mga makikipot na espasyo tulad ng mga gumuhong building o mga masisikip na yungib.

ROBOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with