^

Punto Mo

‘Balete’ (Unang bahagi)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGISNAN ko na ang punong balete sa harap ng aming bahay sa probinsiya. Kuwento ni Itay, basta na lamang daw tumubo ang balete roon. Hindi na raw nila inalis dahil nagbibigay ng lilim sa bahay lalo na kung panahon ng tag-init. Masinsin kasi ang sanga at dahon ng balete kaya magandang shade. Tuwing hapon ay sa ilalim ng balete nakaupo sina tatay at nanay. Naglagay si tatay ng mga upuan sa ilalim ng punong balete.

Tuwing umaga ay winawalisan at pinauusukan ni nanay ang punong balete. Ang mga nalaglag na tuyong dahon ay kan­yang sinisigaan. Araw-araw ay ganun ang ginagawa ni Nanay. Mahal na mahal nila ni Tatay ang balete.

Pero ako ay hindi. Kapag nakikita ko ang balete, naiinis ako. Gusto kong putulin ang balete.

(Itutuloy)

BABAE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with