Mga pulis, bawal magmaneho ng colorum vehicles!—Marbil
BAWAL na sa mga pulis ang mag-sideline o kumita ng extra na salapi, lalo na sa pamamagitan ng pagmaneho ng “colorum” na sasakyan. Walang puknat talaga ang mga programa ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil para ilagay sa tama o iayos ang imahe ng kapulisan. Maliban sa ipinabubura niya ang mga tattoo ng mga pulis, iniutos naman ni Marbil sa Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) na tuldukan na ang konting delihensiya ng mga pulis—ang pagmaneho nga ng colorum na sasakyan. Araguyyy!
Kung sabagay, may punto naman si Marbil dahil sa sobrang laki ng sahod ng mga pulis, hindi na sila dapat masangkot sa illegal na gawain. Ge’t n’yo mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang kautusan ni Marbil na pagbura ng tattoo sa lantad na bahagi ng katawan ng mga pulis ay inangalan dahil art daw ito. Kaya uulanin din ng negatibong komento ang kampanya ng PNP laban sa mga pulis na nagmamaneho ng colorum na sasakyan. Mismooooo!
Pumirma kasi si Marbil ng memorandum of agreement kasama ang Department of Transportation, at Metropolitan Manila Development Authority kung saan nagtayo sila ng task force vs colorum PUV operators. Napuna kasi ng tatlong ahensiya ng gobyerno, na kadalasan ang nahuhuling nagmamaneho ng colorum na sasakyan ay pulis. Dipugaaa!
Nangako si Marbil na tutuldukan na ng IMEG ang problemang ito. Ayosssss! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?
Kung sabagay, hindi lang naman mga pulis ang hahantingin ng task force vs colorum kundi maging ang mga empleado rin ng iba’t ibang sangay ng gobyerno. “We are now working on certain associations towards this, yung mga sinasabi ganyan, its not only police but also other persons in authority,” ani DILG Secretary Benhur Abalos.
Nag-warning si Abalos na aabot sa P1 milyon ang multa ng tiwaling operators ng colorum na sasakyan na maharang sa lansangan. Araguyyyyy! Ang sakit sa bangs nito. Iginiit ni Abalos na sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01, ang multa ng colorum vehicles sa first offense ay P1 milyon para sa mga bus; P200,00 sa vans at trak; P120,000 sa sedan at P50,000 sa mga pampasaherong jeepney. Eh di wow! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Sa second offense naman at parusa ay revocation ng Certificate of Public Convenience, disqualification ng operator, blacklisting ng authorized units ng operators, at revocation pa ng registration ng lahat ng sasakyan na rehistrado sa operator. Tsk tsk tsk! Mamumulubi pala ang mga operators ng colorum na sasakyan kapag mahigpit na ipapatupad ng mga tauhan ni President Bongbong Marcos ng nasabing batas, ano mga kosa? Mismooooo!
“Ang mga colorum na ito ang nagpapadami ng mga sasakyan. Kaya ang utos po sa amin ng Presidente ay gawin namin ang lahat upang maibsan namin ang traffic dito,” ayon kay Abalos. Hehehe! Kapag nasibak na ang mga colorum vehicles, tiyak luluwag ang mga lansangan sa Metro. Ano pa nga ba?
Inamin naman ni Abalos na permanenting mawawala sa kalsada ang mga colorum vehicles sa pakikipagtulungan ng mga local government units (LGUs), Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Goodbye na sa mga colorum vehicles? Abangan
- Latest