Lalaki na naggantsilyo nang walang tigil sa loobng 24 oras, nakatanggap ng Guinness Record!
ISANG TikToker sa U.K. ang nakapagtala ng bagong world record nang maggantsilyo ito nang maraming blanket sa loob ng 24 oras.
Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na si Dan Soar ang pinakabagong world record holder ng titulong “Most Blankets Arm Knitted in 24 Hours”. Ito ay matapos siyang makagawa ng 19 blankets sa pamamagitan ng arm knitting.
Ang arm knitting ay isang technique o paraan sa paggagantsilyo kung saan braso ang ginagamit imbis na knitting needles. Kalimitang isinasagawa ang paraan na ito kapag mataba o extra bulky ang yarn na ginagamit.
Ayon kay Dan, nagsimula lamang noong Disyembre 2023 ang kanyang hilig sa paggagantsilyo. Sinubukan niya ito dahil nabalitaan niya na maganda itong libangan kapag may anxiety.
Naisipan niyang magsagawa ng 24 hour knitting marathon bilang fundraising sa mga mental health charities na MenWalkTalk at Ashgate Hospice. Nang mabalitaan ng kanyang isang kaibigan ang tungkol dito, nag-suggest ito na isali niya ito sa Guinness World Records.
Naka-broadcast ng live ang knitting marathon ni Dan sa TikTok kung saan pinanood siya ng kanyang 300,000 followers.
Bukod sa Guinness certificate, nakalikom si Dan ng 1,100 British pounds na ido-donate niya sa mga pinaglaanan niyang mental health charities.
- Latest