Ngitngit ng kalikasan ganti sa mga tampalasan
SOBRANG init ang nararanasan ngayon dahil sa tinatawag na solar heat storm. Idagdag pa ang dulot ng polusyon at pagkakalbo ng mga kabundukan.
Sementado na halos ang buong kapaligiran. Tigang na ang kalupaan dahil ang tubig ulan ay dumideretso sa mga drainage systems patungo sa mga sapa at karagatan.
Kulang sa mga proyektong patubig at reforestations ang bansa. Nakapako sa relokasyon ng mga illegal dwellers at road widening ang proyekto ng gobyerno na pinagkakakitaan naman ng mga pulitiko.
May money sa housing business dahil nababarat nila ang presyo ng lupain sa kanayunan at kabundukan samantalang nakaamba naman ang disgrasya sa mga naninirahan sa kapatagan dahil sa pagtitipid at kapabayaan. Mark it!
Maganda ang mga proyektong pabahay at hanapbuhay na isinusulong ni PBBM, pero dapat, siguruhing walang magiging masamang epekto sa pamayanan at kalikasan. Okey ba Housing Czar Jerry Acuzar?
- Latest