^

Punto Mo

EDITORYAL - PUV modernization huwag ipagpaliban

Pang-masa
EDITORYAL - PUV modernization huwag ipagpaliban

MARAMING beses nang ipinagpapaliban ang PUV Modernization Program (PUVMP). Panahon pa ni dating President Duterte dapat ito inumpisahan pero lagi nang naipagpapaliban. Nga­yong termino ni President Ferdinand Marcos Jr., ilang beses na ring naiurong. Dapat noong Disyembre 2023 ay larga na ang modernization pero ipinagpaliban muli. Itinakda ang Abril 30, 2024 na deadline para sa consolidation ng mga jeepney para sa PUV ­Modernization. Sa ilalim ng modernization program, dapat mag-consolidate at maging miyembro ng mga kooperatiba ang mga jeepney driver at operator. Paglampas ng Abril 30, maituturing nang colorum ang mga jeepney.

Ayon sa Deparment of Transportation (DOTr), 70 percent na ang nakapag-consolidate. Nilinaw ng DOTr na ang mga operator na hindi nakapag-consolidate ay maaari namang lumipat sa consolidated cooperatives. Ang mga consolidated operators ay maaaring mag-aplay ng special permits at mag-deploy ng kanilang jeepneys sa mga apektadong lugar.

Sabi pa ng DOTr, ang deadline sa Abril 30 na raw ang huli at wala nang pagpapalawig pang ipagkakaloob. Huhulihin na ang mga hindi magko-consolidate.

Sabi ng lider ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), ang nanga­ngasiwa raw sa kooperatiba ang makikinabang sa consolidation. Mahigit P300,000 umano ang membership fee na kinukuha sa bawat jeepney operator para makapagmiyembro sa kooperatiba. Saan aniya kukuha ng ganito kalaking halaga ang operator?

Noong Biyernes, nagbanta ang transport group Manibela na magsasagawa sila ng tigil-pasada bilang pagtutol sa PUV modernization. Kailangan daw nilang magbalik sa kalsada para mapakinggan ng Presidente ang kanilang hinaing. Hindi umano sila susuko. Nagbabala naman ang ilang grupo na tataas ang pamasahe kapag nagpatuloy ang modernization.

Huwag nang ipagpaliban pa ang modernization. Masyado nang naantala ang pagpapapatupad nito. Sapat na ang pinagkaloob na palugit sa mga drayber at operator. Huwag nang magbigay pa ng palugit. Umaabuso na ang transport groups.

vuukle comment

PUV MODERNIZATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with