^

Punto Mo

Sikreto para maging makapangyarihan kaysa ibang tao

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Makinig kaysa ikaw lagi ang nagsasalita.

• Mag-set ng personal boundaries upang huwag maabuso ang iyong kabaitan.

• Tumanggi sa mga kahilingan na mas sila ang makikinabang pero wala ka namang mapapala.

• Huwag manipulahin ang desisyon ng isang tao na ikaw ang piliin, sa halip, bigyan mo siya ng kalayaang pumili kung sino ang gusto niyang kampihan.

• Kapag pinagtaksilan ka, patawarin sila pero huwag nang hayaan pa silang bumalik sa iyong buhay. Ang ahas ay nagpapalit lang ng balat dahil lumalaki sila. Ang taong taksil ay nagpapahinga lang muna. Pero kung “mangangati” ulit, hindi iyan magdadalawang isip na magtaksil muli. This time, mas gagalingan niya ang pagtatago para hindi mabisto.

• Huwag personalin ang mga masasamang sinasabi ng iyong mga kaaway. Bawasan ang pagiging emosyunal at magpraktis ng pagiging “cold-hearted”.

• Tahimik ka lang pero lakasan ang pakiramdam sa mga nangyayari sa iyong paligid. Hindi lahat ng bagay ay nangangailangan ng reaksiyon mo. Mas wala kang pakialam, mas magiging maligaya ka.

• Huwag mong sirain ang iyong pangako. O, huwag mangako kung hindi mo ito mapaninindigan.

• Kung nasa isang umpukan na nagkukuwentuhan, pigilan ang iyong dila sa mga lalabas na salita.

• Kung ikaw ay nagagalit, panatilihin ang kahinahunan.

• Kung pinagkalooban ka ng magandang kapalaran, pigilang lumobo ang iyong “ego”.

• Magsalita ka lamang kung sapat ang iyong kaalaman tungkol sa topic na pinag-uusapan.

POWERFUL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with