^

Punto Mo

Probationary employee na magre-resign, kailangan pa bang ­mag-render ng 30 days?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

One month pa lang po ako sa trabaho pero plano ko na pong magresign due to family reasons. Kailangan ko pa bang mag-render ng 30 days kahit probationary pa lang naman ako? —Clara

Dear Clara,

Oo, kailangan mo mag-render ng isang buwan bago ka tuluyang magbitiw sa trabaho kung walang nakalagay sa iyong employment contract na salungat sa sinasabi ng Labor Code.

Nakasaad sa Article 300 (dating Article 285) ng Labor Code na “[a]n employee may terminate without just cause the employee-employer relationship by serving a written notice on the employer at least one (1) month in advance. The employer upon whom no such notice was served may hold the employee liable for damages. x x x”

Ibig sabihin, maliban na lamang kung may nakasaad sa kontrata mo na mas maikling panahon sa isang buwan o kung tahasang nakalagay doon na hindi mo kailangan mag-render ng anumang araw matapos ka magbigay ng notice of resignation, ay obligasyon mo ang pagrerender ng isang buwan na trabaho.

Hindi rin maaring idahilan ng empleyado ang kanyang probationary status para makaiwas sa isang buwang notice period. Nakalagay lamang sa Article 300 ang katagang “employee” kaya saklaw ng nasabing probisyon ang lahat ng klase ng empleyado, kabilang na ang katulad mong probationary.

Nararapat lamang na applicable ang Article 300 sa lahat ng empleyado dahil para naman ito sa kapakanan ng employer na mangangailangan ng panahon upang masiguro na  maitu-turn over ng maayos ang trabahong maiiwan ng magbibitiw na empleyado.

FAMILY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with