^

Punto Mo

Marcos magdadagdag ng pondo para sa SBDP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Marcos magdadagdag ng pondo para sa SBDP
Ito ang  sinabi ni National Security Adviser at NTF-ELCAC co-vice chairperson Eduardo Año sa ginanap na executive meeting na pinamunuan mismo ni PBBM noong Huwebes kung saan target nito na itaas sa P10 milyon ang pondo kada barangay.
STAR/File

MANILA, Philippines — Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng karagdagang pondo sa Support to Barangay Development Program (SBDP) sa ilalim ng pamamahala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang tuluy-tuloy ang kaunlaran sa mga lugar na napeste ng mga rebelde,

Ito ang  sinabi ni National Security Adviser at NTF-ELCAC co-vice chairperson Eduardo Año sa ginanap na executive meeting na pinamunuan mismo ni PBBM noong Huwebes kung saan target nito na itaas sa P10 milyon ang pondo kada barangay.

Sa ilalim ng 2024 General Appropriations Act, may nakalaan nang P2.6 bilyon para sa 864 na barangay.

Ayon kay Año, inatasan na ni Marcos ang Department of Budget and Management na itaas ang financial support sa 864 barangays para sa FALGU (Financial Assistance to LGU) Program na layong maisakatuparan ang mga infrastructure projects, farm to market roads at pagpapaayos ng kanilang sistema ng tubig na maaaring magpagaan ng kabuhayan ng mga naninirahan sa mga barangay na ito.

Binigyan diin ng opisyal na ang Barangay Development Program (BDP) ay inilunsad sa layong makapagbigay ng kaunlaran sa mga lugar na dating napeste ng New People’s Army (NPA).

Mula nang inilunsad ang programa, umaabot na sa P30.4 bilyon ang naigugol ng pamahalaan para sa 4,501 barangays na lumaya na sa pame­meste ng mga rebelde.

Sinisikap din ng Marcos administration na tapusin ang 2024-2028 Roadmap na pinangu­ngunahan ng NTF-ELCAC na siyang maglalatag ng mga polisiya upang lutasin ang ugat ng insureksiyon at tapusin ang paghahari-harian ng mga CPP-NPA-NDF.

PONDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with