^

Punto Mo

EDITORYAL - Pabakunahan ang mga sanggol laban sa pertussis

Pang-masa
EDITORYAL - Pabakunahan ang mga sanggol laban sa pertussis

DALAWA ang mahigpit na kalaban ng mamamayan ngayon: sakit na nakukuha dahil sa ­matinding init at ang pertussis na bumibiktima sa mga sanggol at kabataan. Pero mas iniinda nang marami ang sobrang init at binabalewala ang pertussis o whooping cough.

Kahit nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa pagkalat ng pertussis, marami pa rin ang hindi nag-aalala. Anila, karaniwang ubo lang ang pertussis at hindi naman kasing delikado ng COVID-19. Lilipas din daw ito at kusang aalis. Wala ring nagsusuot ng face mask at hindi na rin naghuhugas ng kamay. Mahalaga ang pagsusuot ng face mask para hindi mahawa ng pertussis. Bawal din ang paghalik sa bibig ng sanggol para hindi maisalin ang sakit.

Ayon sa DOH, nakapagtala na nang mahigit 500 kaso ng pertussis at 40 na ang namatay. Idineklara ang outbreaks sa Quezon City, Pasig City, Iloilo City at Cavite. Karamihan sa mga namatay ay mga sanggol.

Ayon sa Philippine College of Physicians (PCP), nababahala sila sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng pertussis at pinapayuhan ang mamamayan na mag-ingat. Ang pertussis ay isang acute respiratory infection sanhi ng bacteria Bordetella pertussis na ang nabibiktima ay mga sanggol. Kapag hindi naagapan, maaaring ikamatay. Nasa panganib din ang mga hindi bakunadong senior citizens lalo ang mga may iniindang karamdaman o yung may mga pre-existing health conditions.

Ang pagpapabakuna ang natatanging proteksiyon laban sa pertussis. Ayon sa pag-aaral, ang pagbaba­kuna ng pertussis vaccine (Tdap) ay nakakapagpababa ng 92 percent at 97 percent ng pertusis mortality rates.

Hinihikayat ng DOH ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga sanggol laban sa pertussis. Ibinibigay umano ang bakuna sa barangay health centers. Libre ang bakuna.

Sundin ang payo ng mga eksperto para makaiwas sa pertussis. Ang pag-iingat ang magliligtas sa nakahahawang sakit. Huwag hayaang maulit ang nangyari nang manalasa ang COVID-19 noong 2020 na marami ang namatay dahil sa kawalang ingat at pagpapabaya.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with