^

Punto Mo

Pakawala at kaladkarin, nanggaling sa UniTeam

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MALALANG sakit na ang naidudulot ng mga pa­kawalang social media vloggers na kumakaladkad sa mga kabataan tungo sa pamayanang hinuhubog sa kasinungalingan. Karamihan sa kanila, nangga­ling sa UniTeam. Nababahaginan naman siguro!

Naging putahe na mula pagkagising ng mga social media fans ang bisitahin ang iba’t ibang social media channels para makapakinig sa vloggers ng mga maiinit na balitang puno ng bastusan, murahan at siksik sa kasinungalingan.

Barubalan ang usaping pulitika sa social media mula sa nagsusumbatang kampo nina PBBM at VP Sara Duterte na supporters ng UniTeam. Halata namang gusto lang mapansin kaya nagmamarakulyo. Totoo, di ba?

Pakawalang mga kritiko ang pigura nina Atty. Glen Chong at Harry Roque dahil sa katabilan ng dila ng dalawa. Alam naman nang marami na kapwa sila namimilipit na manalo ang UniTeam noon.

Nadidiin tuloy si FL Liza sa Smartmatic at Digong sa friendly agreement sa China dahil sa matabil na dila nina Chong at Roque. Istaaap!

Parang may balat daw sa puwet si talkative Harry dahil lahat nang salihan niya ay nawiwindang. Mula sa Kabayan party-list na ikinabit sa UNA ni VP Binay, UniTeam at SMNI. Oo nga ‘no? Baka naman nagkataon lang.

UNITEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with