^

Punto Mo

Maid of Honor (77)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Parang may mangyayari na hindi ko maintindihan, Bro,’’ sabi ni Honorio kay Rocky.

“Sige ubusin mo yang beer mo para mawala ang kaba mo.’’

“Ngayon lang ako nakaranas ng ganito, Bro.’’

“Siguro dahil pagod ka na rin sa kahahanap sa kapatid ni Yana, Pareng Honor.’’

“Baka nga. Pati ikaw e damay sa paghahanap. Salamat Parekoy.’’

“Okey lang yun. Pagnakita naman natin ang kapatid ni Yana, nakagawa tayo ng kabutihan.’’

“Tama ka Bro. Alam mo bang may sakit na ang nanay ni Yana sa probinsiya dahil sa pag-iisip sa nawawalang anak?’’

“Kawawa naman.’’

“Kaya nga ang pangako ko kay Yana, talagang hindi titigil sa paghahanapsa kapatid niya.”

“Sana nga makita na natin ngayo.’’

Maya-maya, umalingawngaw ang boses ng DJ announcer. Umpisa na ng happy hour. Makikita na raw ang Diyos ng DONA CELIA. Huwag daw kukurap ang lahat.

Maya-maya, pumailanlang ang maharot na awitin. Pagkatapos ay namatay ang ilaw. At pagkaraan ng isang sandali, nabuhay uli.

Hanggang sa bumukas ang telon. Iniluwa ang isang magandang babae. Titig na titig si Honor sa babae.

Hanggang mapadako ang tingin niya sa bahaging tiyan nito. Nakita niya ang maitim na na nunal malapit sa pusod.

“Siya ang hinahanap natin, Bro!’’

“Sure ka?’’a

“Oo.’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ROCKY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with