^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., inaresto dahil sa pagrereklamo sa school homework ng kanyang anak!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lalaki sa Oxford, Ohio, ang inaresto ng mga pulis dahil sa paulit-ulit na pagtawag nito sa mga school official para magreklamo tungkol sa school homework ng kanyang anak!

Ayon sa police report, madalas tumawag si Adam Sizemore sa Kramer ­Elementary School para magreklamo dahil naiinis ito sa dami ng binibigay na homework sa kanyang anak. Ayon sa mga staff ng school, walang tigil ang pagtawag nito at pinagbabantaan pa nito ang school principal. Upang hindi na magkaroon ng gulo, hindi na sinasagot ng school ang mga tawag ni Sizemore.

Dahil wala nang gustong kumausap kay Sizemore, ang pinagbalingan nito ay ang Oxford Police Department para dito siya tumawag at ireklamo ang Kramer Elementary School. Sa loob ng isang oras, nakakatawag siya rito ng 18 beses.

Upang tumigil na sa ­pangha-harass sa telepono, pumunta ang mga pulis sa ­tahanan ni Sizemore para siya’y arestuhin sa kasong telecommunications harassment and menacing. Nahaharap siya sa anim na buwan na pagkakakulong at $1,000 na multa.

Itinanggi lahat ni Sizemore ang paratang sa kanya na siya ay nangha-harass sa telepono. Ipinaliwanag nito na siya ay isang single dad sa dalawa niyang anak at ginagawa lang niya ang sa tingin niya ay nararapat.

 

vuukle comment

HOMEWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with