Paano mananatiling healthy ang utak?
KAGAYA ng sasakyan, kailangan ng pangangalaga sa ating utak upang manatili itong tumatakbo nang maayos—alerto palagi at hindi nagiging makakalimutin. Narito ang mga paraan:
• Kumain araw-araw ng alinman sa mga sumusunod—almond, sunflower seeds, walnuts. Ang dami ay yung kayang sahurin ng iyong isang palad.
• Uminom ng fresh apple juice.
• Ingatang huwag mauntog ang ulo.
• Siguraduhing mahimbing ang iyong tulog. Bago matulog, alisin sa paligid ng bedroom ang maaaring makaabala sa iyong pagtulog.
• Pagbigyan paminsan-minsan ang sarili na gawin ang mga bagay na nagbibigay kasiyahan—panonood ng sine, shopping, gardening, pagbibisikleta, pagluluto.
• Pag-eehersisyo ng utak—paglalaro ng scrabble, pagsagot sa cross word puzzle, mag-aral ng foreign language o bagong skill.
• Mag-yoga o meditation.
• Light meal lang ang kainin sa gabi o hapunan.
• Mag-imagine ng mga bagay na nakakatuwa. Halimbawa masasarap na pagkaing hindi mo pa natitikman. Ang ideya dito ay hindi para gutumin ka kundi para mapraktis ang iyong five senses gamit ang “imagination”.
• Regular na mag-exercise.
• Palakasin ang pagkontrol sa silakbo ng damdamin. Isa sa nagpapahina ng kontrol sa init ng ulo ay ang pagkain ng produkto mula sa bleached flour. May inilalagay na chemical sa harina para pumuti ito at bilang “flour improver” o pampaalsa. Kaya may bleached or unbleached flour sa pamilihan. Umiwas sa white bread at pagkaing gumagamit ng maraming starch.
• Uminom ng vitamin B complex supplements o kumain ng fresh foods na mayaman sa vitamin B complex: isda, gatas, oats, atay ng beef, manok, itlog, beans, taho, spinach.
- Latest