^

Punto Mo

Alfred, may pahabol na regalo kay Jaclyn Jose

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alfred, may pahabol na regalo kay Jaclyn Jose
Jaclyn at Alfred

Masayang-masaya si Alfred Vargas sa bagong baby nila ng misis na si Yasmine Espiritu na si Aurora Sofia na matatandaang isinilang noong Dec. 26, 2023.

Because of Sofia, pakiramdam daw niya ay nagkaroon siya ng panibagong energy at bagong inspirasyon. “Ang saya kasi tuwing natatapos ang araw ko, super pagod ako pero hindi ako stressed. ‘Yung pagod ko is ‘yung pagod na masaya.

“Siguro nga siya talaga nagbibigay inspiration at new-found energy ko lately. Ang sarap maging tatay at lalo akong na-excite sa buhay ko in general dahil sa kanya.

“Swerte rin kasi ako sa misis kong si Yasmine na super hands-on sa pag-alaga sa amin sa bahay,” pahayag pa ng aktor at konsehal ng 5th District ng Quezon City.

Samantala, hindi naman makapaniwala si Alfred na wala na si Jaclyn Jose na kailan lang ay kasama pa niyang nagsu-shooting sa pelikulang Pieta at okay na okay naman daw ang aktres. “Super nagulat ako. Tumindig ang balahibo ko when i heard the sudden news over the phone. ‘Di ako makapaniwala. Super nakakalungkot. Parang kailan lang ay nag-shooting kami for Pieta at super-okay pa siya nu’n. Wala akong nakitang karamdaman niya.

“Hindi talaga expected itong nangyari sa kanya. I am eternally grateful to Miss Jane dahil sa mga naituro niya sakin at experiences ko with her. We lost a pillar of Philippine cinema too soon,” saad ni Konsi.

Ang Pieta ang isa sa mga huling nagawang movies ni Jaclyn bago pumanaw. Ito ay pinagbibidahan ni Alfred at nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Kasama rin sa movie ang batikang aktres/direktor na si Gina Alajar at first time nilang apat na magkasama-sama sa isang pelikula.

Anyway, matapos ang special screening ng Pieta kamakailan ay napakaraming requests na natatanggap si Alfred especially mula sa Noranian na magkaroon pa ng screenings sa iba’t ibang lugar.

“Hindi natin pwede talikuran ang mga Noranians. Kaliwa’t kanan ang requests nila for special screenings all over the Philippines and even abroad!,” sey ni Alfred.

Ito ay bilang handog na rin daw niya sa namayapang si Jaclyn.

Sharon, nagsalita sa pugot na ulo ni Kiko

Inamin ni Sharon Cuneta na magkaaway sila ng mister na si Kiko Pangilinan nang mag-post siya ng larawan na pugot ang ulo nito.

Matatandaang pinag-usapan sa showbiz ang post na ito ni Sharon na family photo pero putol ang ulo ng kanyang mister.

Ayon kay Shawie, hindi na niya napansin na pugot ang ulo ni Kiko sa photo. “Nag-aaway kami nu’n, sorry. You know, we have problems, that’s another thing,” aniya sa panayam ng ABS-CBN.

“But also, really, I wanted (a photo of) my gremlins, of the four (children). Wala akong makita na picture nila na wala ang daddy nila,” paliwanag niya.

“But then, pagka-post ko, ‘OMG, mukha akong tanga, ba’t ‘ko pinost, putol ‘yung asawa ko!?” dagdag niya.

Aminado naman siyang tulad ng ibang marriage couples ay nasusubukan din ang kanilang relasyon pero kailanman ay hindi raw nila naging problema ang third party.

“Kiko and I have problems like any married couple but it’s never because of someone else,” aniya.

vuukle comment

ALFRED VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with