Green Park, itatayo sa La Mesa Watershed!
MAGTATAYO ng isang green park sa limang ektaryang lote sa La Mesa Watershed kung saan ang mga Pinoy bata man o matanda ay makikipag-ugnay sa kalikasan. Ang proyekto ay malakas na tulong ng bagong institutional partner ng Million Trees Foundation Inc. na QBE Insurance Corp. na naglaan ng P3.7 milyon para sa samu’t-saring programa ng organisasyon. Nagkaroon na ng groundbreaking sa proyekto na tinatawag na Green SanQtuary Park nitong Marso 11, na dinaluhan ng mga opisyales ng Million Trees Foundation at QBE Insurance Group.
“We welcome the establishment of the QBE Green Park that will not only serve as a refuge from the hustle and bustle of everyday life in the concrete jungle nor simply a place where children can play and create their own adventure, but also as a place where everyone one, young and old, can reconnect with nature and rejuvenate the soul,” ani ret. General and former MWSS chairman Reynaldo Velasco, MTFI Chairman Emeritus. Bongga!
Ang QBE Green Park ay itatayo sa 1,600 square meters na espasyo sa 5-hectare na lupain na ibinigay ng MWSS sa MTFI. Ayon sa plano, ang parke ay magkakaroon ng outdoor playground na may gamit, tulad ng slides, covered areas kung saan ang mga bisita ay puwedeng magpahinga at magpahangin. Mayroon din itong mga greenhouses para igarahe ang seedlings ng mga endemic at fruit-bearing trees. Mismooooo! Itong mga seedlings ay gagamitin sa tree planting activities ng QBE Foundation at kanilang partners. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang tree planting mga kosa ay isa lamang sa mga proyekto ng QBEs CSR para sa kanilang environment protection at sustainability program. Ang paggamit ng endemic trees sa reforestation ay noteworthy, ‘ika nga. “While the Philippines is considered a country with a high flora endemism, it is threatened by anthropogenic impact endangering the existence of endemic species,” ayon naman kay MTFI President and Executive Director Melandrew T. Velasco. Ayon kay Velasco, ang QBE Green Park ay pangatlong proyekto ng MTFI mula nang ilunsad noong 2021. Eh di wow!
Kasama ng dalawang opisyal ng MTFI sa event ay sina Samir Kumar, Group Chief Shared Services Officer; Arthur Araña, Senior Vice President-Finance; Jo Cruz, Head of Communications and Branding/Head of GSSC Foundation; Donna Grande, SVP-People; Ariel Magtoto, GM/SVP-Insurance Services; Ton Cabiao-Head of Risk; and Kai Cabuslay-Head of Technology (Interim). Natuwa naman si Kumar sa partnership nila sa MTFI at nangako siya na susuportahan nila ang mga proyekto nito lalo na kapag nakalinta ito sa sustainability, climate change at hakbangin nitong pagtanim ng 10 milyon na kahoy hanggang 2030. Sanamagan! Kayang-kaya, di ba mga kosa?
“QBE Insurance Group through its QBE Foundation aims to improve the resilience and preparedness of communities through long-term partnerships,” ani Kumar. “With its focus on creating strong, resilient and inclusive communities, QBE Foundation has its forest for water and environmental protection programs. Both programs involve tree and mangrove planting activities,” aniya. Maliban sa groundbreaking event, ang QBE at SM North volunteers ay nagsagawa ng re-bagging ng narra saplings bilang preparasyon sa tree planting activity mula Hunyo hanggang Nobyermbre. Nadale rin. Abangan!
- Latest