^

Punto Mo

‘Cheater’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MULA sa opisina, tumawag si Mister sa kanyang asawa.

“Honey, biglaan akong niyaya ni Boss sa Palawan. Hindi naman ako makatanggi, alam mo na… nagsisipsip. Bukod sa may business meeting kami sa isa naming kliyente ay sasamahan ko si Boss na mag-fishing. Kaya puwede bang ipag-empake mo ako ng mga damit good for one week. Huwag mong kakalimutang isama ang aking fishing rod at fishing box. Dadaanan ko ‘yan bago mag-ala singko ng hapon. Isama mo na rin ang aking blue pajama.”

Mahilig magduda si Misis dahil may cheating incidence nang nangyari noong nakaraang panahon. Kaya lang wala naman siyang ebidensiya na monkey­ business lang ang pupuntahan ni Mister kaya tumahimik na lang siya.

Pagkaraan ng isang linggo, dumating si Mister na nasa mukha ang sobrang kasiyahan.  Obvious na talagang nag-enjoy.

“Marami  kayong nahuling isda?”

“Oo, lapu-lapu at blue marlin ang nahuli namin. Mas marami akong nahuli kaysa kay Boss.”

“Bakit wala kang dala?”

“Nakita noong may-ari ng restaurant ang nahuli naming mga isda at inalok kami na bibilhin na lang daw niya. Ibinenta na lang namin dahil mahirap magbitbit sa eroplano ng fresh seafood, marami pang guidelines na susundin. Siyanga pala, nakalimutan mong iempake ang aking paboritong blue pajama.”

“Iniempake ko. Hindi mo nakita?”

“Hindi.”

“Inilagay ko sa fishing box mo.” 

vuukle comment

CHEATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with