^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., nakatanggap ng Guinness dahil sa 34,128 Big Macs na kanyang nakain!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 70-anyos na lalaki sa Wisconsin, USA ang nahigitan ang sarili niyang world record sa pagkain ng Big Mac hamburger.

Kinumpirma kamakailan ng records keeping organization na Guinness World Records na si Donald Gorske ang nanatiling world record holder ng titulong “Most Big Macs Eaten in a Lifetime”.

Ito ay matapos niyang mahigitan ang ­sariling record at umabot na sa 34,128 burgers ang nakain niya simula pa noong dekada 70s.

Ayon kay Gorske, ­unang beses siyang nakatikim ng Big Mac noong May 17, 1972. Dahil nagustuhan niya ito, itinatago niya ang bawat resibo nito pati na rin ang kahon nito!

Noong 1999, una niyang natanggap ang world record title at simula noon ay hindi na nabawi sa kanya ang titulong ito.

Ayon kay Gorske, binawasan na niya sa dalawang Big Mac sa isang araw ang kanyang kinakain. Ito ay kaunti kumpara noong kabataan niya na kaya niyang kumain ng siyam na Big Mac sa isang araw.

Dahil sa kanyang eating habits mara­ming nag-aakala na hindi siya healthy. Ngunit ayon kay Gorske, healthy siya at walang nararanasan na kahit anong sakit.

BURGER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with