^

Punto Mo

Mga kabataan lantad sa online gambling

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NAIS ni  Senador Lito Lapid na mabusisi ng Senado ang dumaraming mga advertisement para sa online gambling sa mga social media platforms sa bansa.

Mukhang lantad na lantad na sa ganitong uri ng online gambling ang maraming kabataan na ikinababahala ng senador.

Si Lapid, ay siyang chairman ng Senate committee on Games and Amusements.

Ayon nga kay Lapid, delikadong malulong sa online sugal ang maraming kabataan  na maagang ma-expose sa pamamagitan ng social media platforms gaya ng Facebook, X, Instagram, at Tiktok.

Hindi lang yan, nakakaapekto pa umano ito sa values at moralidad ng isang kabataan kung hindi maagapan na tugunan ng pamahalaan.

Baka nga kasi hindi napapansin ng marami unti-unti na palang nalululong dito ang isang kabataan lalo na nga kung menor de edad.

Diyan magsisimula ang masamang bisyo, lalo na kung dyan na inilalaan ang kanilang maliit na baon na kanilang itinataya.

Nagsisimula sa maliit na hindi napapansin palaki na nang palaki ang inilalabas na salapi.

At hindi rin malayo na dumating ang pagkakataon  na mang-umit na ang mga ito kanilang mga magulang, yan ang mas lalong nakakabahala na kung lalala pa maging mitsa ng pagnanakaw.

Tama nga naman na sa panahong ito,  napakadaling maglagay ng mga aplikasyon sa mga cellphone at ibang mga mobile devices para sa online gambling. Madalas na hindi ito alam o nababantayan ng mga magulang.

Bukod pa nga dyan, hindi nga bat napakadali pa ang ginawang pamamaraan sa pagpaparehistro para sa mga online games.

Pangalan at edad lang pasok ka na, pwede mo na laruin.

Kung mapapansin may mga influencer/vlogger pa nga na pagkatapos mapanood ang kanilang mga content, aba’y sa huli may prino-promote na mga online gambling.

Sa pamamagitan nang ihahaing resoluyson ni Lapid sa Senado kaya nai niyang mabusisi nang husto ang mga sugal na ito online.

Makakatulong ang mga mabubuong panuntunan   para masawata at mapigilan ito.

Kabilang sa mga online gambling na kinahuhumalingan ng mga kabataan ay ang poker, roleta, color games at iba pang sugal na tulad ng casino na dapat na marahil na masilip.

 

ONLINE GAMBLING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with